Chapter 5

76 6 0
                                    

Chapter 5 

Hello, my dear Twinkles! I'm so sorry for taking so long!

I just finished my final teaching demonstration last April 2 kaya sobrang busy talaga.

Now lang ako nagka time para magsulat ng story ko! Palaging Lesson plan ang naisulat ko lately.

Forgiven 

"Uh-hi!" A high-pitched sound came out of my mouth because of the shock!

Kakahiya naman yan Lyra! Bakit mo kasi tintitigan!

Aba! May abs kasi! Namangha lang!

Kahit pa! Mukha ka tuloy manyakis!

"Ahm, s-sorry kakalabas ko lang kasi sa trabaho kaya nalate" I reasoned out para lang mailiko ang pilyo niyang ngisi sa labi! Mukhang hindi niya makalimutan ang pagtitig ko sa pandesal niya!

Kasi naman e! I mentally stomped my feet and hit my head.

"Come in" napalunok ako ng buksan niya ng malaki ang pinto at gumilid. Bakit papsok? Anong gagawin ko sa loob nitong room niya?!

"P-pwedeng dito mo na lang sabihin ang gusto mong iparating." Nauutal na suhestiyon ko dahil hindi talaga ako comfortable na pumasok dyan!

"I'm still naked, are you enjoying the view kaya ayaw mong pumasok at makapagbihis ako?" Halos lumabas ang asul kong mata dahil sa akusa niya!

Ang lalaking ito! Ang kapal ng apog talaga!

"No!" Napalakas na hiyaw ko.

The smirk oh his lips is unfaded. Gustong-gusto niya ang nangyayari! Ako hindi! Gusto ko ng umuwi at magpahinga na muna!

"Then come in unless I was right?" Kahit labag sa loob at kahit kinakabahan ay dahan dahan akong pumasok.

In a small step, I went inside his unit. My nostrils immediately filled with a manly smell. I'm not usually attracted to men's fragrances but this is different. I cannot explain, his smell is making me feel comfortable.

Malaki at malinis ang loob parang hindi lalaki ang nakatira. The design is minimal, well, men.

"Our family maid cleaned here earlier kaya malinis." He informed me as if he could read my mind.

Pake ko ba?

"Ah" tanging naisagot ko.

"Take a seat, magbibihis lang ako" muli akong napatingin sa katawan niya na mabilis ko namang binawi nang marinig ang tawa niya.

"Or you want me stay like this?" Mapaglarong itinaas baba niya ang kanyang kilay habang nilalaro ng daliri niya nag ibang labi.

Hindi ko napigilan na irapan siya at bumaling ng tingin sa couch. He chuckled and watched me as I sat down.

Ilang segundo pa siyang tumitig bago umiling at pumasok sa isang solid, kwarto niya siguro.

Nakahinga ako nang maluwag sa paglaho niya! Wohh! Para akong na so- suffocate kapag kaharap siya! Sana mabilis lang ito!

Patawad niya lang naman ang gusto kong marinig para matahimik na rin ang konsensya ko pero ang tagal tagal pa! Gutom na ako at inaantok na rin! Maaga pa ako bukas!

I'm thinking, ano kaya ng gusto niyang gawin ko? Hindi niya naman ako papupuntahin dito ng wala lang diba? Siguro may hidden agenda siya!

Baka gagawin niya akong maid dito! Or assistant niya sa school! Baka ako ang pagawin niya sa mg assignment niya! And..... What if he will rape me here?!

Taming the Lion (Constellation Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon