Chapter 2

91 5 1
                                    

Chapter 2 

Fck boy  

"Shit, Lion." A gasp left in my mouth when I heard a moan. 

 "Hala!" I covered my mouth and listened again.

"Shh, quiet." Huh! Pamilyar sa akin ang paos na boses na iyon!

Seriously?! Talagang dito pa sila gumagawa ng milagro?! Eh, napakaraming bata dito sa McDonald's!

Mga walang hiya! At bakit may nakapasok na lalaki dito sa women's restroom?! Shet talaga! Ang mga malilibog nga naman!

Sinasabi ko na nga ba na talagang fuck boy yung lalaki na 'yon!

Halos mapatid ako sa paglabas at nanlaki ang mata ko dahil may batang papasok! Shit na malagkit!

"Holy...." Bulong ko at mabilis na tumakbo pabalik sa restroom! I will lock the door muna. Kawawa ang bata kung sakali na marinig niya ang kababalaghan na nangyayari sa loob ng restroom na ito!

Hinihingal ako na inilock ang pinto at panay ang mahihinang mura. Wala na akong naririnig na ungol kaya umismid ako.

"What are you doing?" Isang malalim na boses ang nagpabaling sa akin.

Kunot ang noo ko nang makita si Lion na nag aayos ng belt niya. Magulo ang buhok at may hindi nakaka please na amoy.

Yuck.

Umirap ako at muling binuksan ang pinto para silipin kung nandun pa ang bata at nang makompirma na wala na ay mabilis akong lumabas.

Kapal naman ng mukha niya na tanungin ako dun! Samantalang siya nga ang dapat tinatanong ko kung bakit nasa women's restroom siya! But nevermind! Rinig na rinig ko naman ang ginawa niya dun kasama ang kung sino mang kaladkarin na babae!

Babae ako kaya super disappointed ako sa mga babae na kung saan-saan na lang bumubukaka kapag may kumatok sa kanila! Ewww. That's gross.

Gusto ko lang naman maghanap ng trabaho dito! Baka sakali na open pa sila sa part timer students! Ang kaso ay iba ang natuklasan ko.

It's confirmed! Fuck boy na horn dog pala itong Lion na ito! Hayst, mga lalaki nga naman.

I sighed and my shoulder fell when I didn't get the job. May nakauna na raw sa akin kahapon at hindi na nila kailangan ng dagdag na crew kaya wala akong pag-asa! Ang need nila ngayon ay ang mag fu-full-time at hindi ko 'yon kaya.

Hindi naman ako sobrang na so-short sa gastusin pero gusto ko kasi na may labis akonh pera para kapag may gusto akong bilhin ay kaya kong makuha. Lalo na yung mga simpleng bagay lang naman.

Ngayon kasi ay natuto na akong maglagay ng kolerete sa mukha lalo na at malapit na kaming lumabas ng university para sa field study next school year. Hindi naman pwede na mas maayos pa ang mga estudyante na haharapin ko kaysa sa akin na student teacher 'no! Kahit naman na may pagka nerd ako ay gusto ko pa rin na naayusan ko ang akin sarili.

Mahaba pa naman ang sembreak namin kaya hindi ko muna papagurin ang sarili ko sa pag hahanap ng trabaho.

"Ang init!" Reklamo ko pagkapasok sa loob ng apartment.

Sobrang init talaga dito sa Pilipinas! Hindi na nagbago.

Wala na pala akong stocks kaya bukas ay mamamalengke muna ako. Sa palengke lang para mura! Mabuti na lang talaga at ang last na sweldo ko sa library ay naibayad ko na dito sa apartment, tubig, at kuryente. Bawas isipin ko na iyon.

Hindi kasi ako nakasama sa mga estudyante na nakakuha ng libreng dormitory. Yung katapat kong building ay dormitory ng mga estudyante. Libre iyon kaya sobrang nanghihinayang ako na hindi ako nakapag take ng exam para dyan. Ang laking tipid ko sana.

Taming the Lion (Constellation Series #3)Where stories live. Discover now