Chapter 4

88 5 0
                                    

Chapter 4

Topless

Jesus! What should I do?! Pupunta ba ako? Kung oo, bakit? Hala, nasisiraan na ata ako ng bait. Kanina pa ako natataasan ng kilay ng mga students dito dahil nabutan nila akong tulala habang ina-assist ko sila dito sa library. Sino ba naman ang hindi mag ooverthink sa gustong mangyari ng lalaki na 'yun? 

Seryoso ba talaga sya? Hindi niya pa ba ako napapatawad? Eh, hindi ko naman sinasadya ang maasaktan siya ah! At isa pa ay mukha naman siyang masaya kanina habang nakikipaglandian siya sa girlfriend niya. Kung bakit kasi sa condo niya pa. pwede naman kami sa likod lang ng building nila, e. Ang dami niya kasing pauso. 

"Hoy!" I jumped when Celeste appeared in front of me and snapped her fingers on my face. Her eyebrows knotted while looking at me, judging. 

"Ano?" tinaasan ko sya ng kilay dahil inistorbo nya ang pag iisip ko dito. Makakaisip na sana ako ng paraan para hindi na ako pumunta sa condo ng Lion na iyon. 

"Kanina pa kita kinakausap!Nakatulala ka lang dyan! Late na tayo sa trabaho. Papasok ka ba o tutulala ka na lang dyan?"

"Oh, shit!" Mabilis kong tinakpan ang bibig ko dahil sa pagmumura. Nasa paaralan pa ako! Baka ma kick out pa ako! Mabuti na lang at walang nakarinig. Kahit si Celeste ay hindi mapakalib sa pagtingin sa paligid kung may mga nakarinig ba. 

"Bilisan mo na nga." Celeste whispered. I secretly chuckled dahil nanggigigil na ang ante nyo. 

" Opo." I playfully bowed down at her. 

"Eto na!" I said and hurriedly fixed my things nang inambaan niya na ako ng hampas. 

"Uy, may sasabihin kasi ako." Kinalabit ko siya habang naglalakad kami palabas ng campus. Nakapulupot ang kamay ko sa kanyang braso kahit nasa balikat ko lang ang height nya.Liit niya kais talaga, parang high school lang. Cute size.

"Spill." Ngumuso ako dahil sa ikli ng sagot nya. Ang cold naman nito. 

"Ay wow! Iced tea yarn?" I laughed when she leered at me. Feeling ko may LQ sila ng bebe niya. Oh, diba, sana all may bebe. 

"So, 'yun nga. Kanina kasi maaga talaga akong pumasok dahil may inabangan ako sa gate kanina." I started. 

"Huh? Nakipag away ka?" Her eyes widened. Ngumuso ako at umiling. Huminga naman siya nang malalim.

"Hindi ako nakipag away at wala akong balak. Si Lion ang inabangan ko kanina dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako mapatahimik dahil sa kasalanan ko sa kanya. Dalawang gabi na akong puyat dahil sa kanya kaya naman na pag disisyunan ko na abangan siya pero kasi nagmamadali siya. Iniwan niya lang ito sa akin." Ipinakita ko sa kanya ang card na ibinigay ni Lion sa akin. Nanalaki ang mga mata niya at inagaw sa akin ang card. 

"Sa condo niya?!" Mabilis kong tinakpan ang bibig niya dahil sa dami ng estudyante na napatingin sa aming dalawa. Kita ko pa ang pag ikot ng mata ng ibang babae sa akin. Hindi ko naman sila kilala pero bakit parang may kasalanan akong ginawa sa kanila?

"Shhh!" 

"Shit ka! Totoo ba talaga? Alam ko namang hindi ka gagawan nun ng masama ng lalaking yun dahil kahit playboy siya ay hindi siya namimilit ng mga babae. Friend sya ni Nico, Sky's friend." Mabilis na aniya. 

"Totoo nga kasi. Ngayon hindi ko alam kung pupunta ba ako or hindi ko na lang sya siputin. Ang kaso naman baka madagdagan na naman ang kasalanan ko sa kanya! Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Help me, Celeste, please. Huhu." 

"Shocks, hindi ko rin alam. Sana pumunta siya sa store mamaya para dun na lang kayo mag-usap. Palagi rin naman siyang pumupunta dun." She uttered.

"Manifesting!" I cross my fingers and close my eyes.

Taming the Lion (Constellation Series #3)Where stories live. Discover now