Chapter 3

53 3 0
                                    

Chapter 3

Condo unit

"Anong gagawin ko, Celeste?" Ngumuso ako habang nagpa pabalik-balik sa harapan ng counter kung saan nakahalumbaba siya.

Celeste sighed.

"Mag sorry ka lang. Tapos." Aniya at muling binilang ang pera sa kahera.

"Hindi madali 'yang gusto mo!" Halos mapasigaw ako sa prustrasyon.

I just accused someone innocent! I even hurt him physically! Hindi naman ako mapanakit na tao pero dahil akala ko siya ang pumalo sa puwit ko ay hindi ko na napigilan! Alam kong ako ang may kasalanan but knowing na si Lion ang hihingan ko ng tawad ay ngayon pa lang parang hindi ko na kaya!

Baka sungitan lang ako ng playboy na iyon! Tss, di naman gwapo!

"Huwag mo na lang isipin 'yun. Kapag nakita kayo alam mo na dapat ang gagawin mo." Celeste said.

"Hindi ako patutulugin ng konsensya ko!" I whined and bit my lip.

"Mukhang close naman kayong dalawa, baka alam mo ang number niya?" Nahihiya kong tanong.

"Wala 'no! Tsaka hindi kami close. Trip niya lang akong guluhin kapag nakikita niya ako." She snorted.

"Baka trip ka talaga niya?" I curiously asked.

Nagusot ang mukha niya sa sinabi ko at halos masuka na.

"No way. Ang mga kagaya ni Lion, hindi papatol sa katulad k--"

"Hoy! Wag ka ngang ganyan! Sa ganda at sipag mong yan! Kahit babae magkakagusto sayo!" I spitted angrily.

She chuckled and shook her head.

"Kung maganda ako, ano ka pa?" Her brows shot up.

"Tao?" Her shoulder fell with my answer.

Umirap siya at iniwan akong humagalpak sa tawa dahil sa kanyang reaksyon.

"Ugh! Paano ba 'to?" I groaned while searching Lion's name on social media.

"Ang dami namang account!" Kumunot ang noo ni Celeste.

Kanina pa namin hinahanap sa Facebook at Instagram ng lalaki na 'yon ang kaso ay hindi namin makita kung alin ba ang totoo niyang account! Ang daming poser! Ganun ba talaga kasikat ang babaerong 'yon?

"Hindi ko siya kilala, hindi ko rin nakikita sa campus. Lately ko lang siya nakita kaya nakapagtataka kasi ang dami niya palang tagahanga?" I pursed my lips while scrolling.

"Really? Hindi mo nababalita ang palagi niyang pagbisita sa detention office dahil sa mga babae niya?" Ngumiwi ako sa tanong niya.

"I'm not really a friendly person, well, there's no one wants to be my friend." I shrugged my shoulders.

"Ganda talaga ng accent mo, Ly. Sigurado ka bang hindi ka half-half?" Kaunti na lang isipin ko na na crush ako nitong si Celeste.

"Hmm?"

"Oh, I think I am"

"Huh?! See? Sabi ko na nga ba, e! Ano? Fil-Am?" She excitedly asked and shake my shoulders.

"Half Filipino—Half Amputa" Bumulaghati ako ng tawa nang bigla niya akong sugurin dahil sa sagot ko.

"Napaka walanghiya mo talaga!" She screamed her lungs out.

"Celeste! Tama na!" Tili ko habang nagpapaikot-ikot kami sa lamesa.

Nandito kami sa apartment ko dahil magkatapat lang naman pala ang mga tinitigilan namin.

Taming the Lion (Constellation Series #3)Where stories live. Discover now