01 : The Return

38 6 1
                                    

"Vye!"

Nanguna ang ingay ng boses nina Leo at Rhea sa gitna ng napaka-ingay na paligid dahil sa mga nakakalat na estudyanteng hinahanap ang kani-kanilang building ngayong unang araw ng klase.

"Kamusta? Nakuha niyo na class sched niyo?" Paunang tanong ko nang makalapit ako sa kanila.

"Hindi pa, sabay-sabay na sana tayo eh. Kaso itong si Leo for sure, maiiba."

Tinaasan ko ng kilay si Leo, nagtatanong.

"Ahh... irregular kasi ako ngayong year."

"Anong trip mo at nag-irreg ka?"

"Oo nga eh, kanina pa 'ko nagtataka kung anong pumasok sa kukote n'yan!" Rant agad ni Rhea sa 'kin. Sigurado akong hindi niya nagustuhan ang desisyon ni Leo dahil mas mababawasan ang time na mag-kasama sila.

"I just want to try something new. Tsaka gusto kong masanay na before college, ayokong manibago next year. Ang hirap mag-adjust," katwiran niya na pinaniwalaan naman namin.

Totoo naman, mahirap mag-adjust sa mga bagong bagay sa buhay. Lalo na't sa aming tatlo, si Leo ang hindi sanay sa mga sudden changes sa buhay.

"Anong goal niyo this year? Ako kasi, basta maka-graduate nalang ako. Okay na 'ko ro'n," kwento ni Rhea habang papunta kami sa Office of STudent Affairs para kunin ang class schedules namin.

"Sus, g-graduate ka rin naman n'yan with high honors. Pa-humble ka pa," pang-aasar ni Leo sa kanya.

Wala akong magawa kung hindi tumawa sa ingay ng dalawa kong kaibigan. Sa aming lahat, ako ang madalas na neutral lang. Sanay na rin naman ako sa kanila kahit paano dahil kaibigan ko na sila mula kinder pa lang.


"May nananahimik oh, palibhasa sure nang with highest honor siya this year. Ano?" Itinapat sa akin ni Rhea ang mukha niya na naniningkit ang mga mata. Umirap lang ako.

"I want to be the class valedictorian this year, I want to prove to everyone that I can do just as they expected."

"Alarming na 'yang gan'yan mong mindset ha?" Saad ni Leo. "You've been doing all of these to meet other people's expectations? How about yourself?"

"Oo nga, hindi mo man lang ba gagawin 'to para mapasaya ang sarili mo o dahil deserve mo naman?" Nagsanib-pwersa pa sila ni Leo sa pangangaral sa 'kin.

"Next!" Putol ng registrar sa usapan namin.

Masaya naman ako 'di ba? Medyo.


"Ano ba 'yan, seven until eleven-thirty ang schedule ko. Dapat mid-shift nalang eh," reklamo ni Rhea nang makuha niya ang papel niya.

"Next!"

"Sage Luisa Vye Armendez po, grade twelve HUMSS."

Nag-hintay ako ng ilang sgundo habang hinahanap ng registrar ang papel ko. Si Leo naman ay chill lang dahil iba-iba ang schedules niya kaya hindi na siya kakabahan lalo na't expected na niyang kahit anong schedule ay pwedeng mapasukan niya.

"Congratulations sa last year, Miss Armendez. Good luck this year," naka-ngiting bati ng registrar sa akin.

"Thank you po," ngiti ko pabalik.


"Anong section mo?" Tanong ko agad kay Rhea nang maka-gilid kami habang hinihintay si Leo na kumukuha pa ng schedule niya.

"HUMSS-A, ikaw?"

"Same!" Nagtatalon kami na parang nakamit na namin ang mga pangarap namin sa sobrang tuwa. Mula kinder ay magka-klase na kaming dalawa kaya naman nakakatuwang malaman na hanggang ngayon ay hindi masisira ang streak namin.

Amidst Nemesis | On-GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon