03: He's Really Back

21 4 0
                                    

"Good morning, everyone," bati ko sa kanila habang may iilan pang napasok ng classroom.

"Morning, Miss President."

"Buti naman at naisipan mong mag-kusang pumunta rito sa harapan?" Pag-irap ko pa kay Levi na naka-tayo na sa tabi ko ngayon.

Ako nga ang nanalong Presidente ng klase, pero siya naman ang nanalong Vice President.

Kung hindi ba naman talaga mapaglaro si Lord, 'di ba?

"Everyone, please settle down po. We will be briefing you for today's schedule after a short morning worship," I clapped my hands twice to get their attention.

"The morning worship will be led by our dearest..." Mapang-asar ko siyang tinignan. "... Vice President, Mister Garcia. While I will be briefing you after, thank you."

I stepped aside to let him lead the class. Tinignan niya 'ko na may panlalaki ang mata dahil hindi ko naman siya sinabihang siya ang magl-lead ngayong araw, mukhang hindi nira rin alam kung anong dapat gawin sa morning worship.


"Dali na, wala na tayong oras!" Bulong ko pa.

Akala ko ay gigitna na siya pero bigla niya 'kong nilapitan. Natigilan ako dahil sa sobrang lapit ng mga mukha namin dahil bumulong siya sa may kaliwang tainga ko.

"You never told me about this, Armendez."

Matapos niya 'kong bulungan ay tinignan niya 'ko at hindi ako nagpatalo, mata sa mata kung mata sa mata.

Ilang segundo pa lang ang itinagal no'n dahil sumilay ang isang mapang-asar na ngiti sa mga labi ko bago ko siya hinila paalis sa harap ko at umabante.

"Alright, looks like Mister Garcia does not have any idea about morning worship. I'll lead instead," tumingin ako ulit sa kanya at nagmimick ng "Two points" sa bibig ko.

Isang worship song at isang dasal lang naman ang kailangang gawin para sa morning worship, pagkatapos ay pwede na kaming mag-proceed sa morning briefing.

"So for today's briefing—"

"Ehem," putol sa akin ni Levi. "Today, we will have three subjects, first hour for UCSP, then a ten-minute break, and then we'll have two hours for our major subject, Philippine Politics and Governance. Make sure that you were able to read the readings given by Ma'am Soriano, and then we'll have our last subject, Values Education for one hour."

"Index cards din, paki-ready. Make sure na may index ccard kayo fro PolGov, kailangan na raw today 'yan. Miss Secretary, make sure to check the attendance. Nakalimutan mo ata, Levi." Dagdag ko pa.

Ngumisi lang siya sa 'kin.


Our day continued like usual. Since first day of class sa ibang subject, nag-introduction lang kami tapos nag-ayos ng seating arrangement para sa UCSP subject namin.

Mabuti nalang at hindi si Levi ang katabi ko during UCSP at baka hindi na 'ko makapagpigil at kutusan ko na siya.

"Index cards please," wika agad ni Ma'am Soriano nang makapasok siya ng classroom.

Kinolekta ko naman agad ang index cards namin tsaka inilapag sa teacher's table.

Nang makabalik ako sa upuan ko ay padabog kong ibinaba ang bag ni Levi na nakaharang sa view ko sa board. Tinawanan niya lang ako at hindi man lang nag-sorry, malamang ay sinasadya niya 'yon.


"Good morning, class. I am Ma'am Mary Soriano and this is Philippine Politics and Governance or PolGov. I am sure that I uploaded some materials in your classroom site and I assume that you were able to read those materials I sent since I stated in that post a few things, which are?" 

Amidst Nemesis | On-GoingWhere stories live. Discover now