08 : Assignment

15 0 1
                                    

It's finally the day that I will be facing Levi again.

Ngayong araw ang debate namin para sa UCSP, kung saan divorce ang magiging topic namin.

Kasalukuyang nasa library ako kasama ang mga ka-grupo ko. Vacant kasi ang isang subject namin bago ang UCSP kaya naman may time kami para mag-prepare.

Tahimik naming inaaral ang mga drafts namin nang maputol ang katahimikan na 'yon.

"Ate Vye!"

Mahinang tawag sa 'kin ng isang junior ko mula sa debate club last year.

"Hello, kamusta na?" Naka-ngiting bati ko.

"Okay lang po, I'm glad to see you again, Ate. Sayang, akala ko pa naman sa debate club pa rin kayo ngayong year," napayukong wika niya habang akap-akap ang dalawang makapal na libro sa dibdib niya.

"Ahh, may ibang plans kasi ako this year eh. Tsaka graduating na rin naman ako, mas better to take more risks and enjoy my senior high life before college. Eh, ang debate club? Kamusta naman?"

"Our club's doing great, Ate! We were having troubles at first kasi nabigla lahat since we were expecting na you would be with us pa rin, but we got it naman po," malawak ang ngiting wika niya.

Isa siya sa mga juniors ko na masasabi kong magaling at may leadership skills din. Minsan nga naiisip kong kunin siya kung sakaling ituloy ko ang plano kong tumakbo for SSG this year, kaso bawal na dahil may position na siya sa debate club.


Matapos ang maikli naming kwentuhan, nag-proceed na rin ang group ko sa trial room. Wala pa ang iba naming kaklase, pero nandito na ang grupo ni Levi.

Sa akin agad ang bagsak ng mga mata niya mula nang pumasok kami sa trial room at hindi niya 'ko inalisan nang tingin, hindi rin ako nagpatalo. Walang pumuputol sa eye contact namin hanggang sa maka-upo kami sa tapat nila.

"Woah... calm down you two," putol ni Rhea sa eye contact namin nang mag-salita siya sa may upuan niya dahilan para mapatingin kami sa kanya. "Wala pa man din para niyo nang lalamunin ang isa't-isa," dagdag pa nito.

"Y'all have to chill, guys. Masyado kayong mainit sa isa't-isa, gano'n niyo ba ka-hate ang isa't-isa?" Asar pa ni Leo na umupo sa tabi ni Rhea. "May I remind you guys, this is just a debate."

"This is not just a debate, Leo. This is all about our grades and my reputation as the top debate club member in Vandaire's history," I said in a challenging voice, looking at Levi intently.

"That sounds like a challenge," Levi uttered, acting innocent. "A challenge sounds fun, don't you guys think?" Dinamay pa niya ang mga ka-grupo niya na halatang nagdadalawang isip sumagot nang tumingin sila sa 'kin.

Napangisi ako sa reaksyon nila.

"Are you challenging me?" I asked as I crossed my arms.

Inayos ni Levi ang necktie niya. "Maybe," he chuckled. "I just wanna see the top debater of Vandaire University," he winked at me.

I smirked. It's been a while since I had a worthy opponent.

"Game," confident kong wika. "If we win, what would I get?"

Sumilay ang isang malawak na ngiti sa labi niya nang ipatong niya ang dalawang braso sa table at tignan ako nang malalim.

"Your reputation and maybe an extra free dinner from me from any restaurant of your choice," wika nito. "And if I win?" Pahabol na tanong niya.

I scoffed. "As if you can," tawa ko pa bagong kunin ang flask ko para uminom ng tubig.

"Just in case, para naman parehas tayong may motivation to win. 'Di ba?"

Amidst Nemesis | On-GoingWhere stories live. Discover now