06 : Trial Room

12 2 2
                                    

Kasama ko ang mga kagrupo ko na naglalakad patungo sa trial room ng debate club kung saan gaganapin ang UCSP class namin.

Ngayong araw, dalawang grupo ang mabubunot para mag-debate sa isa sa kahit anong topic na matatapat sa amin.

Kaya handa na kami ng grupo ko at dala-dala ko na ang mga draft ng arguments namin para sa dalawang possible topic ng debate, it's either divorce or bortion.

I smelled the familiar library-like smell of the trial room as we entered, the room I spent most of my days last year. Nakaka-miss pala ang debate club.

Naka-hati ang mga upuan sa loob, by group ang upuan at may sariling side ang group leaders sa bandang gilid ng stage.

Dumating na rin ang grupo nila Leo at Levi na huling pumasok sa trial room. The class started with a prayer and a brief discussion about the directions for the debate by our teacher Ma'am Caprio.


Nag-draw ng dalawang grupo si Ma'am Caprio para sa topic na abortion. Ang dalawang grupo na mabubunot ang maglalaban para sa unang topic.

"Group one versus..." Tumayo agad si Leo na nasa tabi ko at nag-ayos ng uniform niya.

Sana group ko nalang ang makalaban nila, gusto kong nakakalaban si Leo sa debate dahil malaman ang arguments niya.

"Group four," everyone felt relieved except me.

I was somehow disappointed na hindi grupo ko ang nabunot, pero medyo nabuhayan ako ng loob nang ma-realize na grupo ni Levi ang kalaban ko.

Finally, worthy ang opponent ko for this debate. Last year kasi parang ang dali lang para sa 'kin na talunin sila.

Tinignan ko si Levi, tinignan niya rin ako pero walang emosyon sa mga mata niya. Galit pa rin siya sa 'kin, at hindi pa rin kami nakakapag-usap.

"Hey..." Tawag ko pero hindi niya 'ko pinansin.

Ia-approach ko pa sana siya ulit nang bigla siyang lumipat ng upuan sa tabi ko mismo, malapit na malapit sa 'kin.

Nag-simula na ang debate at hindi ko na sinubukan pang i-approach siya dahil ayokong maka-istorbo sa klase.

Pro-abortion ang nabunot nila Leo habang con sa kabila.

Naunang mag-discuss ng stance nila ang group one, si Rhea ang nag-discuss ng stance nila. Sinundan 'yon ng stance ng kabilang grupo.


"For your first argument, group one please proceed."

"We agree with abortion, we think that this should be legalized in our country. One of the biggest campaigns for women in the US is the 'My Body, My Choice.' campaign which was a result of the debates regarding those who are against and those who approve of abortion. They were stating that since it is their body, they should have the freedom to decide for their body. Which makes sense, katawan nila, choice nila. Hindi dapat ibang tao ang magdidikta kung dapat ba silang mag-abort o hindi."

Leo pushed the button as a sign that he'd finished his statement.

"But every choice we make matters. Paano kung against sa batas ng tao ang ginagawa mo? Katulad na lamang ng abortion. Your point focuses on women's right to their own body, but how about the baby that is inside their wombs? Wala ba silang right to life dahil lang nasa loob pa sila ng sinapupunan ng magulang nila? We cannot just ignore the fact that this is also about the baby and not just a woman's body."

Wika ng leader ng kabilang grupo tsaka pinush ang red button.

Tumayo si Rhea at inayos tinignang mabuti ang isinulat niya sa papel niya kanina.

Amidst Nemesis | On-GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon