04 : A Menace

24 4 1
                                    

"Mom, I'm leaving!" Sigaw ko habang pababa nang hagdan.

"Saan ka pupunta? Malapit na mag-lunch, anak."

"Sa mall po, may bibilhin lang na mga gamit for school."

"What time will you be back?"

"Maya-maya pa po, I have to make my group's argument for our debate. Don't worry, I'll eat lunch. Bye!" Pagmamadali ko palabas sa bahay.

Ilang minuto rin ang ginugol ko pababa ng building. Sa condo kami nakatira dahil nasa Baguio talaga ang bahay namin kung nasaan ang grandmother ko. Besides, maraming trabaho si Daddy sa senate habang si Mommy naman ay busy sa mga taping niya. So it's much convenient to stay around Metro Manila.


Nilakad ko nalang ang daan patungo sa may kanto para sumakay ng jeep. Dati ay pinipilit akong sumakay nila Daddy sa sasakyan namin para maihatid ni Manong, pero last year, kinausap ko sila at sinabi kong gusto kong ma-experience ang mag-commute.

Nakakapagod siya kasi dalawang LRT ang sinasakyan ko, pero ugali ko kasing i-romanticized ang mga bagay-bagay para ma-enjoy ko.

Katulad ngayon, sa mall lang naman ang punta ko pero naka-trousers at white shirt ako. Nag-suot din ako ng black bucket hat at white rubber shoes. Wala lang, extra lang kahit ilang minuto lang ang layo ng mall sa amin.


"Para po!" Malakas na wika ko para makababa sa tapat mismo ng mall.

Dumiretso muna ako sa National Bookstore para bumili ng ilang gamit na kailangan ko sa iba't-ibang subjects. Nasa two-thousand din ang nagastos ko pero hindi ako nanghihinayang dahil para sa school naman.

Pagkatapos ay dumiretso agad ako sa first floor kung saan madalas ang mga cafe. Balak ko sanang sa Starbucks pumunta kaso wala nang table kaya sa Krispy Kreme nalang.

"Welcome to Krispy Kreme, may I get your order, Ma'am?"

"Iced White Mocha, medium."

"Would you like to add some pastries po?"

Ini-scan ko muna ang donuts nila. "Isang smores tas isang alcapone, for here."

"Alright, ulitin ko lang po order niyo... One Iced White Mocha, that's medium. One smores donut and one alcapone, for here po."

"Yes, that's right."

"Alright, that would be three-hundred-five po."

Tinanong niya ang name ko matapos i-abot ang sukli ko.

"V nalang," sagot ko.

First letter lang ng name ko ang binibigay ko dahil laging mali ang spelling nila at minsa ay masyadong malayo kaya hindi ko alam kung ako ba ang tinatawag o kung sino.

"Alright, miss V. Tawagin nalang po namin kayo kapag ready na ang order niyo, enjoy po."

"Thank you," sambit ko bago nag-hanap ng upuan.


Maganda ang nahanap kong upuan, tama lang ang view at hindi ako masyadong natatamaan ng sikat ng araw. Inilapag ko ang tote bag ko sa tabi ko at inilabas ang laptop ko.

Puro mga nag-aaral din ang mga katabi ko kaya nakaka-motivate na mag-aral din. Lalo na nang mapansin kong may codals sa table ng katabi ko, law student ata siya.

That's the dream, to be a lawyer.

Sabi nila mahirap. Sabi ni Mommy, nakakapagod. Sabi ni Daddy, nakakatakot.

Pero walang takot ang hindi kayang harapin para sa pangarap, 'di ba?

Maya-maya ay narinig kong tinawag na ako kaya tumayo ako at nag-tungo sa may dulo ng counter.

Amidst Nemesis | On-GoingDove le storie prendono vita. Scoprilo ora