02: I Nominate...

31 4 0
                                    

"Good morning, class."

Nagsi-tayo ang lahat para bumati kay Ma'am Soriano nang pumasok siya sa classroom.

Nag-check muna siya ng attendance at kumpleto naman kami at wala ring late sa amin kaya nag-proceed na siya sa agendas namin ngayong araw.

"Our agendas for today would be..." Kumuha siya ng whiteboard marker para isulat sa may kaliwang bahagi ng board ang agendas. "We will be creating our house rules, I will be discussing the student handbook that I will be handing out later, and the most important one would be... the nomination of class officers."

Napa-tingin sa akin ang iba kong mga kaklase nang banggitin ni Ma'am Soriano 'yon, pero hindi ko sila pinansin at nanatili akong naka-tingin sa board. May plano kasi ako this year kaya hindi ako sigurado kung dapat ko bang tanggapin kung ma-nominate man nila 'ko for President ulit.

"I assume that most of you here already know each other, sa mga bago at bagong-balik naman... everyone was able to introduce themselves yesterday, right?"

"Yes, Ma'am." We said in unison.

"Good! Now, let us proceed with the nomination of the class officers. Starting from the top to the bottom, may I have the assistance of Miss Lopez?" 

Tumayo naman si Rhea sa may board at kinuha ang marker kay Ma'am Soriano na pumagilid saglit para mas makita ng lahat ang isusulat sa board mamaya.

"Good morning, HUMSS-A! I am Rhealyn Lopez, the chairperson of the Commission on Student Elections of Vandiare University, and I officially open the floor for any nominations for this year's class officers of HUMSS-A. Starting with the Presidential position, any nominations?"

"Make sure to nominate the best officers, the ones whom you believe could serve you right. Karapatan niyo ang bumoto at mahalaga ang bawat boto niyo, 'wag niyong sayangin sa mga incompetent an leaders." Hindi pa man nakakapag-taas ng kamay and mga kaklase ko ay nag-salita na agad si Ma'am Soriano.

"Yes, Mister Torres?" Professional na tugon ni Rhea kay Leo na nag-taas ng kamay.

"I respectfully nominate Armendez for President," confident na wika nito.

Sabi na eh, mano-nominate ulit ako this year, nandito ba naman ang mga kaibigan ko eh.

"Miss Armendez was nominated for President, other nominations?" Pagpapatuloy ni Rhea sa daloy ng eleksyon habang isinusulat ang surname ko sa board.

"Yes, Mister Limanan?" Tanong ni Ma'am Soriano kay Cris na naka-taas ang kamay.

"I respectfully nominate Levi Garcia for President!" Energetic na sigaw nito na tinawanan pa ng mga kaklase ko.

Argh! Pati ba naman sa pagka-Presidente kalaban ko nanaman siya?!

Tumingin siya sa 'kin at ngumisi.

Ngising alam kong nang-aasar dahil every year nalang ganito ang set-up namin. Lagi nalang din kaming nagsasalitan sa pagka-Presidente ng klase. Noong grade seven ay ako, grade eight ay siya, grade nine ay ako ulit, at nung grade ten ay siya. 

Tapos wala na siya noong grade eleven kaya ako nanaman ang President ng class na kinabilangan ko. Pero ngayong nandito nanaman siya, feeling ko lahat may malaking competition nanaman ako.


Nevermind! I'll grab this opportunity to be the next Class President, chance ko na 'to for a streak sa position na 'to.

"I move to close the nomination," confident na wika ko.

It's me against Levi or nothing.

"Before we proceed with the proper election, I'd like to call upon those who nominated the, for this position."

Amidst Nemesis | On-GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon