Chapter 1

85 11 0
                                    


Sa malawak na kagubatan na sakop ng Ghost City may bukod tangi ang kinatatakutan ng lahat ng naninirahan. Ang Ghost Tree, pinaniniwalaan kumukuha ito ng buhay ng normal na tao at samantala sa mga gumamit ng mahika ay hihigupin ang kanilang lakas hanggan sila ay tumanda bago bitawan ng Ghost Tree.

Sa pag sapit ng gabi sakto kabilugan ng buwan. Ang sinag ng buwan ang nag bigay buhay sa patay na puno. Lumipas ang maraming minuto dahan-dahan may nabuo na lagusan sa katawan ng puno.

Nagsimula hindi mapalagay ang mga hayop na nasa palibot ng Ghost Tree na nanatili tikom ang bibig sa takot na makagawa ng tunog.

Nabasag ang katahimikan na bumukas ang lagusan at niluwal ang batang walang malay nasa anim na taon gulang.

Ligtas na lumapag sa lupa ang batang tulog.  Nagsara ang lagusan kasunod nito nagpakawala ng hangin na naging sanhi lumutang ang bata palayo sa Ghost Tree.

Muli bumukas ang lagusan at niluwal ang kwago na kulay itim. Nagmamadali lumipad ang kwago palayo sa Ghost Tree at lumapit sa isang puno habang nagmamasid sa ibaba kung nasaan ang bata.

Kinabukasan nagising ang bata na puno na pagtataka sa palibot.

“Nasaan ako?”

Nang humawak siya sa kaniyang mukha, doon niya nakita ang maliit niyang kamay. Napaatras ang bata na nanlalaki ang mga mata.

“Anong nangyari? Ang huli ko natandaan patay na ako.”

Mas lalo nanlaki ang mga mata ng bata na napagtanto buhay siya. “Ang ibig sabihin nito nag reincarnate ako sa ibang mundo. Paano?” nilibot ang tingin sa palibot.

Natigilan ang bata sa pagmamasid sa paligid na biglaan lumindol. Sa kaniyang pag lingon bumungad sa kaniya ang dambuhala Dinosaur. Sa takot kumaripas ng takbo ang bata patungo sa kung saan.

Iyak ng iyak ang bata na madapa siya. Nanginginig na humarap sa Dinosaur naka luhod habang nakapikit ang mga mata.

“Huwag mo ako kainin. Hindi ako masarap at tsaka hindi ka mabubusog sa akin.”

Lumipas ang maraming mimuto ngunit wala pa rin nangyari. Nag dilat siya ng mata. Bumagsak siya na una ang pang upo na masilayan ang dinosaur na tumatawa habang nakaturo sa kaniya ang buntot nito.

“Natutuwa ako may napadpad na tao dito.”

Nag liwanag ang dragon, sa kisap mata nasa harapan ko ang lalaki matangkad, mahaba ang buhok, matangos ang ilong, moreno ang balat. Naksuot ng bahag sa pang ibaba samantala sa itaas walang saplot.

Huminto ang bata sa pag-iyak. “Bumalik yata ako sa nakaraan. Pang sinaunang tao ang nakaharap ko.”

“Bata gusto mo kumain ng matatamis na prutas dito?”

Nakahinga ng maluwag ang bata habang pinunasan ang luha sa pisngi gamit ang palad nito.

Nag liwanag ang eksrespyon ng bata. Nag ningning ang mga mata habang naka buka ang bibig.

“Oo. Halika sumama sa akin pupunta tayo sa tahanan ko.”

Walang nagawa ang bata kung hindi sumunod sa lalaki. Binuhat na siya nito para mabilis makarating sa tahanan. Lumipas ang isang oras nakarating na sila sa harap ng isang puno. Ang puno na may bintana at pinto sa katawan nito.

Pumasok sila, hindi maiwasan ng bata namangha sa nakita. Maraming prutas ang nagkalat sa sahig. Nagmamadali lumapit ang bata dumanpot saka nagsimula kumakain.

Habang abala ang bata na kumakain. Ang malikot na mata nito nakatingin sa palibot. Huminto ang kaniyang tingin sa lalaki nag hubad ng bahag. Nanlaki ang mga mata niya na masilayan ang pribadong parte ng katawan ng lalaki. Nabitawan niya ang prutas at nalaglag sa sahig.

Anima: Unknown Summoners Where stories live. Discover now