Chapter 9

33 7 3
                                    


Anima: The North Of The Prince

Isang unknown summoner ang naghahanap ng kasagutan kasama ang katulad niya sa mundo ng North Anima.

Ngunit makilala niya ang prince ng North , at ito ang naging hadlang sa kaniyang misyon.

Maghahanap kaya niya ang
kasagutan?

***

Chapter 9


Sa malawak na kapatagan may dalawang tao ang kasalukuyang walang malay nakahiga sa malamig na kalupaan na balot ng niyebe. Malakas ang ihip ng hangin samahan ang sobrang bilis na pag bagsakan ng niyebe, hindi nagtagal natatakpan ng niyebe ang dalawang tao.

Lumipas ang maraming minuto may lumitaw na munting liwanag saka kusa ito umikot sa dalawang tao hanggan sa nabuo ang magic circle sa kanila. Nag liwanag ang magic circle sumabay ang pag litaw ng munting nilalang.

Sa pag laho ng magic circle kasabay nag dilat ng mata ang binata na may pares na bughaw na mata at kulay puti na buhok na mahalintulad sa niyebe.

“Ahhh.” Bumagon ang binata habang inalis ang niyebe dumikit sa kaniyang balat. Nilibot ang tingin, natigilan na marinig ang kakaibang ingay na mula sa isang munting nilalang.

Ang munting nilalang may pares ng kumikinang pakpak, itim na mata at maging ang kulay ng buhok. Nakasuot na parang salamin na kumikinang.

“Fairy?” takang sambit niya.

Napalingon siya sa tabi na bumangon ang lalaki kasama niya. Inalis ang niyebe sa katawan, nasilayan ng binata ang maamong mukha ng lalaki. May pares ng itim na mata maging ang kulay ng buhok na maikli, matangos ang ilong, mapulang labi.

“Sino ka?” mahinang sambit.

“Ako ito si Zafiro, ikaw na ba yan Anami?”

Natigilan ang binata na banggitin ang pangalan niya. Walang nakakakilala sa kaniya maliban kay Zeus at Zafiro na sinabihan niya tungkol sa kaniyang pagkatao.

“Ako na nga. Hindi ko inaasahan na ito ang tunay natin katawan at wangis.” Itinuro ng binata ang Fairy, “Zafiro sino siya?” wika nito. Hindi nakapag salita ang lalaki nananatiling nakatingin sa kaniyang mukha. Ngumiti ang binata na naging dahilan para umiwas ito ng tingin.

“Sinong siya? Wala naman ako nakita kung hindi puro niyebe.”

Binatukan ng binata ang lalaking may pangalan Zafiro. Napa sigaw sa gulat na hindi inaasahan ng lalaki na gagawin ito ng kasama.

“Tumingala ka dyan, ayon siya,” inis na sambit ng binata.

Kaagad tumingin ang lalaki. Nang makita ang munting nilalang biglang natulala ito.

“Sha, ikaw ba yan?”

Lumipad ang fairy paikot ikot sa ibabaw ng ulo ni Zafiro. Sa bawat pagaspas ng pakpak naiiwan ang bakas ng kinang nito.

“Ako ito Master, ikinagagalak kong makita ka muli. Kay tagal natin hindi nag kita.”

Ang naramdaman panglalamig ng katawan ni Zafiro ay unti-unting nawala sa tulong ng Fairy niya na i summon.

“Fairy? Lahat ba ng Summoners may fairy?” takang sabi ni Anami.

Nahinto ang dalawa sa pagkukulitan. Nakalimutan na may kasama pala sila.

“Ang lahat ng Summoners ay may kaniya kaniya guardian partner. Itong si Sha ang Guardian Spirit ko.”

Ang Guardian Spirit ang pinakamataas na ranggo sa buong spirit, kinilala sila ng lahat ng spirit na mahalaga, kapantay nila ang Zodiac Spirit.

“Sa unang tingin ko pa lang. Kulang ka sa kaalaman sa mga spirit. Pwes hindi ka magtatagumpay makipag kontrata sa Guardian Spirit kung hanggan dyan lang ang kaya mo.”

Hindi pinansin si Zafiro ni Anami. Nagsimula na ito naglakad paalis sa kanilang pwesto kinabagsakan.

“Anami?”

Hindi nagawa lumingon ni Anami sa pagkakataon ito na may natanaw sa hindi kalayuan na liwanag mula sa gumagalaw na bolang liwanag patungo sa kagubatan.

Anami saan ka pupunta?!”

Mabailis tumakbo si Anami bigla na lang ito naglaho sa paningin ni Zafiro. Nataranta sumunod si Zafiro sa takot na maabutan siya ng Snow Storm.

Samantala sa loob ng kagubatan huminto si Anami sa ilalim ng puno. Hindi niya na habol ang liwanag sa subrang bilis nito.

Hinihingal siya napaupo habang nakatingala sa kalangitan. Nanglaki ang mata niya naalaala nasa ibang mundo siya.

“Anong nagawa ko? Nagpadalos dalos ako, lagot hindi ko tuloy maiwasan ang matakot. Sana sabay na lang kami ni Zafiro.”

Umalis siya sa kaniyang kinaupuan na marinig ang alulong ng nga wolf na mula sa palibot.

“Hindi ko alam kung gaano kapanganib ang kagubatan. Kailangan ko gumawa ng paraan.”

Sinubukan niya mag summon ngunit walang lumabas hanggan magic circle lang ang lumabas.

“Lagot ako ngayon,” nanginginig na sambit niya. “Kailangan ko umakyat bago ako maabutan ng mga wolf.”

Kumaripas ng takbo si Anami na marinig ang mga yabag ng Wolf na sumusunod sa kaniya. Huminto siya na makasalubong niya ang malaking puting Wolf. Nakakatakot ang kulay pula na mata ng Wolf.

“Mukhang ang swerte ko ngayon araw. Ang bait talaga ng kalangitan, hindi ako pibabayaan. ”

“Nagsasalita wolf? ”

Hindi sumagot ang Wolf sa halip narinig niya ang tawa nito. Hindi nagawang umiwas ni Anami na bigla ito tumakbo saka tumalon sa kaniya. Bumagsak siya sa malamig na lupa habang nasa ibabaw niya ang Wolf, nakahanda na siyang saktan nito.

Napapikit ng mariin si Anami na tumulo ang laway ng Wolf sa mukha niya.

“Lumayo ka sa akin. Parang awa muna huwag mo ako kainin. Unang una hindi ako masarap kainin.”

“Nakakatuwa ngayon lang ako nakakita ng lalaki na lampa. Nagtataka tuloy ako kung paano napadpad ang tulad mo.”

Binuka ang bibig ng wolf nakahanda na kagatin si Anami. Pero tumilapon ang Wolf bigla.

“Ayos ka lang?”

Hindi na nagawa pang sumagot ni Anami na nawalang siya ng malay. Nakatayo ang isang lalaki sa tabi ni Anami. Kapansin pansin ang tattoo sa bubong katawan nito at pulang mata na parang dugo.

“Alpha?!”

Napayuko ang Wolf na sambitin ng lalaki ang pangalan nito.

“Maraming beses na kita sinabihan na huwag ka pumatay ng tao. Hindi ba?”

Akmang sasagot ang wolf ngunit kusa lumutang ang katawan ni Anami sa eri.

Hindi nagawa makapag salita ng lalaki na inikutan si Anami ng niyebe hanggan sa natakpan ang buong katawan nito. Sa kisap mata bigla na lang ito bumagsak kasabay naman naglaho si Anami.

“Alpha nararamdaman mo ba ang lalaking yun Ngayon?”

“Nararamdaman ko nandito lang siya sa kagubatan, ang problema hindi ko matukoy ang tamang direksyon. Alam mo na, humihina ang pang amoy ko. Pasensya kana kung nalabag ko ang sinabi ko. Talagang gutom na gutom na ako.”

Natahimik ang lalaki. Seryuso tinapunan ng tingin ang Wolf na mas lalo yumuko ito. Nagtataka ang lalaki sa nangyari.

“Sigurado ako hindi siya kabilang sa kahit anong tribu,” mahinang sambit ng wolf

“Isa na naman Unknown ang napadpad sa atin,” bulong sa hangin ng lalaki bago talikuran ang wolf.

“Kailangan ko pa maka uwi agad para hindi nila mahalata nawala ako.”

Ikinumpas ng lalaki sa eri ang kamay kasabay dahan dahan na buo ang Isang malaking snowflake, sapat na para sumakay ang Isang tao.

Tumalon ang lalaki at ligtas na bumagsak sa snowflake. Palingan linga Muna sa palibot bago umalis na may ngiti sa labi.

Author Note: Pasensya na Ngayon lang. Na busy Kasi eh.

Anima: Unknown Summoners Where stories live. Discover now