Chapter 2

69 11 0
                                    


Anami Point Of View

Nagising ako na subrang lamig. Yumakap kay Zeus. Pero Napagpasyahan ko bumangon na parang mas lalo hindi ako napalagay.

Ang hirap mabuhay sa katawan ito. Kainis. “Wow snow?” hinalikan ko sa noo si Zeus bago nagtatakbo palabas ng bahay.

Sa pagbukas ko ng pinto. Hindi ko inaasahan umuulan ng niyebe, mas lalo ako natuwa. Lumabas ako na hindi sinara ang pinto.

Bumuo ako ng snowman habang kumakanta ako. Nang matapos ko gawin ang snowman, napalakpak ako sa subrang ganda ng pagkagawa ko.

“Kung may mahika lang sana ako ng snow marami pa akong magagawa.”

Napayakap ako sa sarili, na hindi kinaya ng katawan ko ang lamig. Manipis na tela ang suot ko.

Hindi ko ma ipaliwanag ang nangyari sa paligid. Ang lahat ng snow nasa lupa ay umangat at dahan-dahan pinalibutan ako.

“Ang...la-lamig.”

Napatingala ako sa kalangitan na may narinig ako na boses ng lalaki.

“Sino ang nandyan?!”

Hindi ko maiwasan ang matakot.

“Tawagin mo ang pangalan ko, Jack Frost!”

Ibubuka ko na sana ang bibig ko pero.

“Anami anong ginagawa mo?” nag alala wika niya. Halata bagong gising pa.

“Hindi ko alam po. Anong nangyayari sa akin?” hindi ko mapigilan umagos ang luha sa mga mata ko.

“Huwag ka gumalaw. Susubukan ko ang magagawa ko para pigilan yan snow nakapalibot sa iyo.”

Tumango lang ako.

Pinagdikit ni Zeus ang magkabilang palad niya. Hindi ko inaasahan ang sunod na nangyari. Akala ko sa mga movie ko lang ito mapapanood at makita.

Lumabas sa paanan ni Zeus ang magic circle. Lumalabas sa kaniyang ang mga salita lumutang sa hangin, nag paikot ikot ito sa akin.

Sa kisap mata bumagal ang lahat. Maging ang pag galaw ko ay apektado.

Bumagsak ang lahat ng niyebe sa lupa. Sa paglaho ng magic circle bumalik sa normal ang lahat.

Lumapit siya sa akin kaso. “Jack Frost,” kusa wika ng bibig ko. Huminto si Zeus, itinutok niya ang kanang kamay niya sa direksyon ko.

“Sino ka?!”

Naramdaman ko may humawak sa balikat ko. Ang lamig ng kamay. Sa pag lingon ko bumungad sa akin ang lalaki.

“Ako unang na summon ng batang ito. May problema ba?” malamig na tanong ng lalaki kay Zeus.

“Ano ang ibig mong sabihin?”

“Siya ay isang Summoners.” sagot ng lalaki.

Bumalik ang tingin ko kay Zeus. Kita ko sa kaniyang mga mata ang gulat, hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya.

“Hindi maari. Walang kahit sino ang nakapasok sa Ghost Forest lalo na ang mga Summoners.”

Hinawakan ko ang kamay ng lalaki na makita ang nag aapoy na mga mata ni Zeus at nakakamatay na tingin sa lalaki.

“Natatakot ako,” tanging na sambit ko.

Natauhan si Zeus.

“Pasensya ka na Anami.”

Umiling ako sa takot na baka mangyari ulit ang ikinamatay ko. Ayaw ko mangyari iyong. Binitawan ko ang kamay ng lalaki saka nag tago sa likod niya.

Bumilis ang tibok ng puso ko, nagtataasan ang mga balahibo ko sa katawan. Mahigpit ako yumakap sa lalaki habang patuloy umaagos ang luha ko. Hindi ko makontrol ang emosyon ko dahil sa katawan ito. Madali ma apektuhan ng negatibo.

Anima: Unknown Summoners Where stories live. Discover now