Chapter 7

37 7 0
                                    


Anami's Pont Of View

Nandito muli ako kung nasaan ang lalaki kalmado nakatangin sa akin.

“Maligayang bati sa iyo. Ikinagagalak kong makita ka nag tagumpay. Hanggan dito na lang, sa susunod muli natin pagkikita.”

Hindi ko na magawa pang sumagot na muli na naman linamon ng kadiliman ang paningin ko. Nagising ako nakaramdam ng uhaw kaya lumabas ako ng silid. Sumalubong sa akin si Jack Frost.

Lumapit ito sa akin saka binuhat ako na parang bata. Teka, bata? Tiningnan ko ang kamay ko.

“Anong nangyayari, Jack Frost?” nalilitong kung sambit. Tumingin ako sa mukha ni Jack Frost na malungkot.

“Huwag ka mag alala, Master. Bumalik ka na tunay mong ikaw. Hindi ko alam kung bakit bigla ka lumaki nong huli natin pagkikita at ngayo bumalik ka ulit sa normal. Hindi ko masasagot ang katanungan mo tungkol dyan.”

“Nasaan yun batang ikalawang na i summon ko, Jack Frost?”

Pinisil pisil ko ang pisngi ni Jack Frost pero hindi naman siya umayaw.

“Master hindi ko alam. Wala ako imporsyon maliban na taglay niya ang poison.”

Tumigil ako sa pagpisil sa pisngi niya. Muntik na ako mahulog na lumindol kung hindi nahawakan muli.

“Master may nangyari hindi maganda. Sa tingin ko kailangan ko na mag paalam sa iyo.”

Maingat ako ibinaba ni Jack Frost. “Sa susunod ulit!” naglaho si Jack Frost.

Nag tungo ako ng kusina at uminom ng tubig. Hindi ko ma alis sa isipan ko ang batang yun. Paano ko ba siya na i summon.

Hindi ko namalayan kusa naglalakad ang mga paa ko patungo sa hardin. Natauhan na lang ako na dumanpi sa balat ko ang paro paro.

Lumipad ang magandang paro paro na may kulay ng bahaghari. Hinabol ko ito sa kagustuhan mahuli ngunit sa kasamaang palad hindi ko siya mahuli kahit binilisan ko ang takbo.

Humiga ako sa lupa na may pagnanais na mahuli ang magandang paro-paro. Ang kulit ng isang ito, nag paikot ikot sa ibabaw ko.

Sa sobrang inis hindi ko na iwasan isipin na balutan ng yelo ang paro-paro. Nanlaki ang mga mata ko na mabilis bumagsak sa akin ang paro-paro balot ng yelo. Hindi ko namalayan malaya umagos ang luha ko.

“Patawad sa akin nagawa. Hindi ko alam mangyari ito.”

Naglaho ang paro-paro na may na iwan na kinang sa eri. Mabilis ako bumangon upang muli maglaro at kalimutan ang nangyari.

Naghanap ako ng magandang pwesto na pagkaupuan ko. “Wow ang ganda dito!” umupo ako sa damuhan.

Kahit na buhay na ako dati pero parang ang parte ng katauhan ko ay nahahati sa dalawa. Una ang batang kabila ko, at binatang tunay na ako.

Na dala ako ng emosyon, hindi ko mapigilan umawit ng paborito kong kanta na ako mismo ang bumubo. Pinaglalaruan ko ang mga damo sa pamamagitan sa pagbilang ng mga dahon.

Hindi ko namalayan kusa kumilos ang kamay ko at pumasok sa isipan ko, kung may bulaklak na yelo. Pag tingin ko sa akin palad nandoon ang bulaklak na likha sa yelo.

Binasag ko ang yelo na naramdaman ang presensya ni Kuya Zeus. Hindi ako nagkamali, nandon siya nakatayo habang nakatingin sa akin. Nagmamadali ako tumakbo sa sobrang kasayahan na muli ko na naman magagawa ang aking kalokohan.

“Kuya Zeus, laro tayo!”

Bakas sa mukha ang pagkabigla ni Kuya Zeus na siyang dahilan na pag atras niya bago ako lapitan. Tumalon ako saka bumagsak sa kaniyang katawan na kaagad ko siya yinakap ng mahigpit sa takot na mahulog. Nakahinga ako ng maluwag na hinawakan niya ako.

Anima: Unknown Summoners Where stories live. Discover now