Chapter 6

46 8 0
                                    

Zeus's Point Of View

apapansin ko wala sa sarili si Anami habang patuloy ipinaliwanag ni Erela ang tungkol sa Summoners. Sa aking palagay na isip ni Anami ang pwede mangyari sa oras na malaman nila na isa siyang Summoners.

“Bukas na bukas kailangan natin magkita sa gitna ng Ghost forest. Batid kong mapanganib ang pag punta roon ngunit umaasa ako dadalo kayo.” Tumayo siya. “Hindi ko alam Zeus, kung dapat ba ko pagkatiwalaan yan si Anamin. Pagmasdan mo siya maigi wala siya sa sarili. Hindi niya naririnig ang mga sinasabi ko ngunit umaasa ako na may maganda siyang gagawin.”

Pagkatapos mag paalam ni Erela. Muli ko pinagmasdan ang kawawang si Anami. Hindi ko alam kung bakit ganito nararamdaman ko. Hindi ako sanay na hindi niya ako pinapansin.

Kinalambit ko siya, malinaw ang kaniyang pagkabigla base sa kaniyang reaksyon.

“Nakaalis na si Erela, kanina ka pa dyan tulala. May problema ba?”

“Wala. May naisip lang ako.”

Nararamdaman ko ang kaniyang kalungkutan na bumabalot sa kaniyang puso sa kasalukuyang niyang sitwasyon.

“Kung tungkol ito sa summoners. Huwag ka matakot mag kwento sa akin, handa ako makikinig sa iyo at sagutin ang lahat ng tanong mo.”

Hindi ko alam kung bakit nakikita ko sa kaniya ang nakalaban ko na summoners dati. Isang Summoners na may bagsik na kakayahan.

“Paano kung malaman nila na isa akong summoners? Hindi ba galit sila sa mga summoners dahil sa digmaan nangyari noon?”

Nag bago ang ekspresyon ko sa narinig.

“Hindi nila malalaman kung hindi mo ipakita sa kanila. Oo. Galit sila sa summoners lalo na sa may kakayahan kontrolin ang apoy at i summon ang mga kaluluwa.”

Muli ako nag salita ngunit hindi sumagot. Naisipan ko yakapin siya ngunit naramdaman ko ang malamig niyang katawan na maihahalintulad sa isang bangkay. Nanlaki ang mga mata ko na bigla siya nanginginig na naging dahilan na humiwalay ako sa pag yakap.

Humarap siya sa akin na may kakaibang ngiti. Hindi ko inaasahan yakapin niya ako ng mahigpit.

“Tulungan mo ako, ang lamig sobra.”

Niyakap ko siya pabalik. Hinayaan na gawin niya yakapin ako ng mahigpit.

“Tumingin ka sa akin.”

Nang tumingin siya sa akin hindi ko maiwasan palihim na ngumiti na mag tama ang tingin namin. Ngunit bakas sa kaniyang mga mata ang pagkabigla. Hindi nagtagal umiwas siya.

“Ang lamig mo sobra pero ayos lang hangga't kaya ko pa.”

Naramdaman ko na bumagal ang tibok ng puso niya na labis nag alala ako.

“Zeus?”

“Anami bakit?”

“Wala,” sagot niya.

Tumingin muli siya sa aking mukha sabay pisil sa magkabilang pisngi ko.

“Ang ganda mong lalaki.” Pagkatapos niya pisilin ang pisngi ko. Dahan-dahan pumikit siya.

“Anami?!”

Mabilis ang tibok ng puso ko na hindi siya sumagot. Nararamdaman ko nanigas ang kaniyang katawan na parang patay na siya.

“Anami!?”

Hindi ko mapigilan nag unahan ang aking mga luha na bumabagsak sa kaniyang inosenteng mukha.

Hindi ako nag dalawang isip na buhatin siya at ihiga sa kama. Lumilitaw ang magic circle ibabaw ng katawan niya.

“Jack Frost!”

Anima: Unknown Summoners Where stories live. Discover now