Chapter 5

47 10 0
                                    


Yumanig ang lupa na ikatumba ng lahat maliban kay Anami nanatiling nakatayo na may madilim na ekspresyon. Na agaw niya ang atensyon ang lahat. Iisa ang binubulong nila yun ay kung sino siya?

Nanumbalik ang lahat sa katinuan na sunod-sunod na sumabog mula sa labas ng harang. Kaniya kaniya sa pag handa ang lahat kung sakali na basag ang harang.

“Huminahon kayo lahat. Hindi nababasag ang harang mula sa labas maliban na kung may nakapasok!” sigaw ng babae.

Na tahimik ang lahat na napagtanto na wala dapat sila ikatakot.

“Sino kayo?!” Lumingon ang babae sa kanilang direksyon.

“Siya ang mayor ng ghost city.” - Zeus.

Habang lumalapit ang babae sa kanilang direksyon  hindi mapakali ang mga kasama nito na kasunod.

“Kami ang mga naninirahan sa Ghost Forest. May problema ba Mayor?” lakas loob sagot ni Erela.

“Kung ganoo, totoo pala ang balita na lumabas na ang ibang naninirahan sa ghost forest maliban kay Zeus para ipaglaban ang lupain niyo.”

“Yun na nga po. Batid namin na hindi maganda ang tingin sa amin, ngunit nais ko malaman niyo na wala kami gagawin na ikapapahamak niyo.” - Zeus.

Nang makarating sa kanila ang babae, sinuri ang bawat isa sa kanila mula paa hanggang ulo sa pamamagitan sa pag tingin.

“Mabuti naman kung ganoon. Maari na kayo bumalik sa Ghost Forest baka muli mag labas ng masamang Aura Ghost Tree. Mahirap na baka hindi niyo mapigilan at ikapahamak pa namin.”

Peke ngumiti si Erela. “Huwag kang mag alala Mayor. Hindi kayo na apektuhan ng Ghost tree hangga't hindi kayo tatapak sa lupa sa Ghost Forest.” itinuro ni Erela ang Ghost Forest.

Napa Atras si Anami na masama tumitig sa kaniya ang Mayor.

“Sino siya?” sabay turo kay Anami.

"Isa rin sa mga naninirahan sa Ghost Forest,” pagsisinungaling ni Zeus.

“Hindi na kami magtatagal. Maraming salamat sa pagtanggap Mayor Sacri,” paalam ni Zeus.

Umalis ang tatlo na hindi lumingon. Hindi inalis ang tingin ng Mayor sa tatlo na may pagtatakang tingin.

“Kung gayon, nong una si Zeus lang ang lumabas para tumulong sa amin noong. Ngayon mukhang mas malakas ang kalaban na may balak sirain ang Ghost City,” bulong sa sarili.

Humarap ang babae sa mga nasasakupan. “Huwag kayo matakot minamahal kong mamamayan. Gagawin ko ang lahat at sisiguraduhin ang kaligtasin natin lahat. Nakikiusap ako huminahon kayo at bumalik na sa kaniya kaniya gawain.” Pumalakpak ang Mayor na ibig sabihin seryuso ito.

Lumitaw sa palad ng mayor ang magic circle saka tinutok sa kalangitan. “Wind Magic: Windy Barrier!” Isang nakakasilaw na liwanag ang lumabas sa palad ng mayor at humalo sa hangin hanggang sa maging barrier na pumapalibot sa ghost city maliban ghost forest.

“Ngayon hindi na sila makakapasok ng ganoon kadali gaya ng dati.”

Umalis ang mayor sa kinatatayuan at nag tungo sa sentro ng city para pag planohan ang gagawin sa nakaabang na panganib sa labas ng Ghost City.

Tulala na iwan ang mga bata sa labas ng mga bahay na may pagkamangha tingin sa pinakamalakas na harang. Nahuhulog ang mga butil ng liwanag na likha mismo ng mayor sa kabahayan para dagdag proteksyon kung sakali makapasok ang nagbabalak pumasok.

Anami Point Of View

Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko habang nakikinig sa mga sinasabi ni Erela. Sino ba naman hindi kabahan kung tungkol pa maman sa summoners. Ang ikinatakot ko baka ako. Nanumbalik ako sa katinuan na kalabitin ako ni Zeus.

Anima: Unknown Summoners Where stories live. Discover now