Chapter 22

1.1K 34 0
                                    

France Pov

"Class dismissed", our prof said after three hours naming makinig sa kaniya. Umalis na ito kaya ang iba ay napahinga ng malalim.

Nakakatakot kase siya kanina, nakatulog kase yung isa naming lalaki na kaklase, ayun! Nagalit si prof kaya nagpa long quiz saamin. Sobrang hirap pa, buti nalang naka four over ten ako.

Ang iba ay dahan dahan ng umalis sa kani kanilang pwesto habang ako ay nagliligpit na ng gamit ko. Before I could leave paman, I was frozen on my spot ng makita na naman siya muli.

"Hi France", nakangiting bati nito.

Hayyys, kakabalik ko lang pero di parin pala siya nagbabago. Kailan ba siya titigil?

"Please lang Seth, wala ako sa mood mag entertain ng kung sino ngayon", pagsisinungaling ko just to make him stay away from me.

Pero kahit anong sabihin at gawin ko talaga sa kaniya, hindi ko siya mapigilan. Kung ang bato matigas, parang bakal ang ulo niya dahil sa sobrang tigas. Samahin mopa ang pangungulit niya saakin na walang katapusan.

I hope di ito makaabot kay Ate, I'm afraid of what she can do. Sinabi pa naman non na kami na, di ko yun binanggit kay Mica kase wala rin namang saysay. Kapag official na talaga ang feeling's ko, doon ko nalang sasabihin.

"Just this time France, sabay nalang tayong maglakad", he said.

Napatingin ako kina Mela at Mica na ngayon ay nanunuod saamin. They signaling me na sumang ayon nalang para di na ako disturbohin pero kahit na gawin ko naman yun mangungulit parin ito.

"Sige na France, kahit ngayon lang naman oh!", Pagmamakaawa nito.

Hayyys, talagang ang kulit niya. Pano naba toh ngayon?

"Wag mo naman siyang pilitin bro, ayaw ng tao eh", biglang lumapit saamin si Alex na akala ko ay umalis na.

Hinarangan niya ako, pinipilit na lumayo kay Seth. Sa totoo lang talaga, yan ang di ko nagustuhan kay Seth kaya hanggang ngayon ay di kopa siya sinasagot na manligaw saakin.

May itsura naman siya eh, siguro nga marami ang nagkakagusto sa kaniya kaya bakit pa saakin? Kung ako sa kaniya, titigil na ako kung ayaw talaga ng tao.

"Ano ba! May alam kaba rito? Wag kang makisali!", Sigaw ni Seth kay Alex at itinulak. Pero ito namang si Alex ay malakas kaya di nagawa iyon ni Seth.

"Pero pinipilit mo si France, ganiyan kaba talaga manligaw ng babae? Pinipilit mo?"

Tama ka Alex, you shouldn't force a person na gustuhin karin, iba iba tayo ng perspective eh. Di lahat ng nagagandahan ko, magagandahan karin.

Hindi ko matiis na makita silang mag away at masaktan pa si Alex kaya wala akong choice.

"Okay fine, hanggang sa labas lang Seth. Don lang, after that, wag kanang magpapakita saakin!", Inis kong turan at iniwan silang apat sa loob.

Di naman nagtagal ay napansin kong may sumusunod saakin, walang iba kundi siya. Mabilis ang paglalakad ko dahil pinagtitinginan narin kami ng ibang tao.

Dahan dahan kong binagalan ang paglalakad ko when I notice na nakatingin sila saamin, I don't like to be the center of attention. Nasa tabi na siya saakin ngayon but I didn't let him na mas dumikit saakin.

"Ano ba France, wag ka namang magmadali. Yes you agree pero di ka naman nakikipag usap saakin!", ramdam ko na parang nasaktan siya sa ginagawa ko. Well, I don't care. Napilitan lang naman ako.

Miss Amora's Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon