Chapter 26

1.4K 41 1
                                    

France Pov

Kakabukas ko pa lang sa group chat namin ay ninety nine plus na kaagad ang messages, gunawa kami ng gc pero apat lang kami roon. Ako, si Mica, Alex at Mela.

Nag online lang naman ako para tignan kung ano ang news na nasagap nila after makita ko sa balita kanina na may isang bangkay ang natagpuan na nilagay sa sako na nagngangalang Seth Adlrin, akala ko baka kapangalan lang ni Seth but when they provide her picture ay doon na ako nagulat.

Oo galit ako sa nagawa ni Seth at ayaw ko rin siyang makita but I have never wish na mamatay siya, everyone has the right to live at wala rin tayong karapatan na kumitil ng buhay lalo pat hindi naman tayo ang gumawa nito.

Pero ang mas pinagtataka ko, bakit naman nila pinatay si Seth? Malaki ba ang atraso nito sa kanila? Bakit naman sa ganong paraan? Pwede naman nilang ipakulong if ever man may utang siyang hindi nabayaran pero ang pumatay? Parang sobra naman ata yun? Sana makulong ng habang buhay ang gumawa non, mas lalong hindi niya deserve ang mabuhay kung siya mismo gagawa ng hatul.

Pagkatapos kung basahin ang kanilang pinag usapan sa gc, binaba kona ang aking phone. Tumayo na ako sa aking kama at inayos ito, today is another day na naman at kailangan kung kumain dahil nagugutom na ako and it's already eight in the morning.

Pagkatapos kung maligo ay nagbihis at lumabas na sa kwarto, I was expecting na baka nasa trabaho na si Ate pero laking gulat ko ng pagbukas ko ng aking pintuan ay naroon pala siya sa labas habang nakapang hawak.

"Ahmm— Good morning Ate", nahihiyang bati ko rito.

Aghhh! Bakit ka naman nahiya eh makapal naman talaga mukha mo tas ngayon pa eh matagal na kaming magkasama.

"I've been knocking on your door yet you didn't answer", malamig nitong sabi.

Huh? Kumatok ba siya? Bakit di ko napansin?

"Siguro nong kumatok ka nasa banyo ako, naliligo Ate", I replied. Baka nga, maingay kase ang baway pagbagsak ng tubig sa Cr kaya di ko talaga marinig ang ingay dito sa labas.

She look at me na parang may hinihintay siyang sabihin ko pero ito lang ako, nakatayo at hinihintay rin siyang may sasabihin.

Aghhh! Bakit ba ang ganda niya ngayon? Gosh Maganda naman talaga siya always but her fit dress na kaniyang suot ngayon, mas lalong litaw ang magandang hubog ng katawan. Gusto ko rin ng ganiyang katawa eh.

"Don't look at me like that, I might melt", kaagad akong tumingin sa kaniyang mukha when she speak.

Tama, wag ka ngang tumingin diyan. Ilang besis mo na nga yang nakita eh. I mean yung coca cola na body shape niya.

"May kailangan kapa Ate?", I ask again. Parang wala kase siyang planong umalis, di ako makalabas.

"Find out to yourself", talagang wala siya sa mood.

Eh ano ba talaga kailangan niya? Wala naman akong naalala na may kukunin siya tyaka wala naman siyang naging favor saakin. Eh ano ba yun?

I look at her eyes para basahin, baka naman malaman ko kung ano yun.

Gàgà! Kayo na nga diba! Bakit mo pa siya tatawaging Ate, tàngà ka din noh! My inner self said.

"Ahh! I'm sorry At—Amora, I forgot na Amora na pala", sabay yuko ko.

Sana sinabi niya nalang ng diretso para di na ako mahirapan eh, tanggap kona naman na kailangan ko siyang tawaging ganon.

"You forgot the important one", she said.

The important one? Ano naman yu—

Bigla akong napaatras at napapasok ulit sa kwarto ko when she push me with a kiss, hugging me from my waist and pulling my nape using her right hand to deepen the kiss.

Miss Amora's Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon