TOA(S.R) PROLOGUE

37 2 0
                                    

Kiel's past

Vler's pov

"Kiel" tawag ko sa kaniya.

Tumingin ito na may nakakalokong tingin. Ngumiti siya at lumapit sa'kin.

"Hi miss, ang ganda mo naman"

"Lasing ka na naman, Kiel. Bakit nandito ka? Hating gabi na" saad ko at tumingin naman ito saakin, ngumiti siya ng mapait.

Pabalik-balik na lang siya dito, lagi niyang hinahanap at hinihintay ang kapatid ko'ng si Venice, na kamakailan lang nang nawala siya.

"Miss, alam mo may kamukha ka. Kamukha mo yung babaeng mahal na mahal ko. Kamukha mo si- Venice" saad niya at ngumiti sa'kin.

Nasasaktan ako sa mga sinasabi niya, hanggang ngayon hindi pa rin siya nagbabago.

"Kiel, ako 'to si Vler, ang kapatid ni Venice. Bakit hindi ka pa dumiretso pauwi sa inyo?" inis na tanong ko sa kaniya.

"Namimiss ko kasi si Venice. Sa kaniya ako uuwi, siya yung tahanan ko. Panigurado, bubulyawan niya nanaman ako pag-uwi" sambit niya at tumawa.

Napalitan ngayon ng lungkot ang kanina kong naiinis na mukha.

Mahal niya pa rin si Venice pero
hindi pwede, kailangan niya nang mag move-on. Hindi pwedeng lagi na lang siyang ganito, naaawa ako sa kaniya.

"Kiel. Wala na si Venice, hindi na siya bumalik pa. Hindi ko alam kung paanong may natitira pa ring pag-asa diyan sa puso mo. Tanggapin mo na lang, wala na siya-"

"Hindi! Alam kong babalik siya at  sigurado akong babalik din siya sa'kin! Bakit ba ayaw mo'kong tulungang hanapin siya?! Kapatid ka ba talaga niya?!" sigaw ni Kiel na ikinalaki ng mata ko.

Nagtubig ang mga mata ko sa sinabi niya at binigyan ko siya ng isang malakas na sampal.

"Hoy Kiel, kung hindi mo kayang kalimutan si Venice, pwes huwag kang manggulo dito! Kung hindi mo kayang tanggaping hindi na siya babalik, 'edi ikaw mag hanap sa kaniya mag-isa mo!" sigaw ko at tinulak siya.

Sinarado ko ang pinto at napasandal doon. Malakas ang kabog ng dibdib ko habang sinisilip siya sa bintana na katabi ng pintuan.

Naaawa ako sa kaniya, masyado siyang apektado sa pagkawala ng kapatid ko.

Bakit Venice? Bakit naman kasi masyadong nahulog sa'yo si Kiel?

Parang ako pa ang nahihirapan para kay Kiel at sa kapatid ko.

Aaminin ko, sinubukan ko ring hanapin si Venice noon. Iilang subok ang ginawa ko, pero bigo lang akong hanapin siya. Kahit masakit pa rin saakin ay sinubukan ko rin na..

Tanggaping wala na talaga siya.

Mabuting tao si Venice. Kahit isang kaaway ay wala siya.

Nagpatulong ako sa mga  police noon na tanungin ang mga manliligaw ni Venice pero wala kaming nakuhang maaaring malaking tulay kung saan mahahanap si Venice.

Lahat ginawa ko kahit wala ang tulong ng mga pulis, pero palpak ako sa lahat. Kahit anong gawin ko ay wala lang ang lahat.

Paalis na si Kiel. Nagpupunas na ito ng luha ngayon. Nahahawa ako sa kaniya, pati ako naiiyak na rin.

Namimiss ko na rin ang kapatid ko, na gu-guilty lang ako sa sarili ko dahil yung last na pagkikita namin ay nag-away kami.

Kaya rin siguro ang bigat sa dibdib ko habang naaalala ko si Venice.

Pero para sa'kin, parang ramdam ko na buhay pa siya hanggang ngayon.

Minsan naiisip ko na lang na paano kung kailangan ni Venice ng tulong ko? Pano kung naghihintay lang siya na may tumulong sa kaniya?

Pero paano rin kung-

Wala na siya?

Pinunasan ko ang luha na pumatak mula sa mata ko nang magvibrate ang cellphone ko.

Kinuha ko iyon at tinignan, mayroong tumatawag pero unknown number ito.

Sinagot ko iyon at hindi muna nagsalita, pinakinggan ko ang nasa kabilang linya.

"A-ate. Please, tulungan mo'ko"

Nanlaki ang mata ko nang marinig ang nagsalita mula sa kabilang linya.

"V-Venice? I-ikaw ba yan? N-nasaan ka?!" gulat na tanong ko.

Biglang namatay ang tawag, binaba niya ito.

Tinignan ko ang cellphone ko, pinindot ko ang dial ngunit out of reach na ang number.

Akmang itetext ko na ito nang may nareceive naman akong text message. Galing iyon sa unknown number at agad ko iyong binasa.

From: Unknown number

Reis Filomer

Napakunot-noo lang ako sa text nito. Hindi ko na alam ang gagawin.

Oh Lord, help me, send someone who's not reluctant and willing to help me find my sister. I'm begging you, please help me.

The One After (ONGOING)Where stories live. Discover now