Chapter 2

11 3 0
                                    

KISS...?

A/N: Upcoming mature scene, not suitable for children.(pero filo tayo diba? we break rules, ayan tayo eh)

Denise's pov

Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko. Tinakpan ko ang mukha ko nang masilaw ako sa ilaw.

"Hey, you're awake." rinig kong bulong ng pamilyar na boses mula sa gilid ko.

"How are you? May masakit ba sa'yo?" nag-aalalang tanong niya.

Fuck, ang sakit ng ulo ko.

I immediately remembered what just happened. Everything just- went black.

"Denise-" tawag niya at sinamaan ko siya ng tingin.

"Ayos lang ako, bakit nandito ka pa?" seryosong tanong ko habang hinihipo ang ulo ko.

I then realized that I'm not home. Hindi pala ako dapat mag feeling ngayon dahil hindi ko naman ito pamamahay.

"It's obvious that I'm worrying about you. I saw you lying on the ground, kaya inuwi na muna kita dito sa amin." paliwanag niya.

"Sinabi ko na rin sa parents mo nga nangyari. They're on their way."

Expect ko na 'yon.

Nilibot ko ang paningin sa aking paligid. Masasabi kong kwarto niya 'to dahil sa naghahalong kulay ng white at khaki color ang mga furniture.

Sa tabi ng banyo ay mayroong transparent na sliding door kaya obvious kung ano ang loob 'non.

Mayroong chair at computer, may nakasabit na guitar instrument.

Kung tutugtugan niya'ko, baka mas matuwa pa ako.

Napatingin ako sa nagbukas ng pinto. Hindi na'ko nagulat nang makita kung sino iyon dahil alam kong tinawagan din siya ni Kiel.

"Oh, gising ka na pala Nis." sambit ni Jasmine habang may hawak-hawak na tray ng pagkain at tubig.

Lumapit siya at nilapag sa mesa na nasa gilid ko ang tray na dala niya.

"Ano 'yan? Sinong may sakit?" sarkastikong sabi ko at nagkunot-noo naman si Jas habang napahawak naman sa sentido si Kiel.

"Kumain ka na gaga." utos ni Jas at inaayos ang kutsara't tinidor sa pinggan.

Nilapag niya sa lap ko ang pinggan at walang kung ano-ano ay agad ko iyong nilantakan.

Para akong ginutom ng isang buong araw dahil sa katakawan ko.

Inabot sa'kin ni Kiel ang baso ng tubig nang muntikan pa'kong mabulunan.

"Ano bang nangyari?" panimulang tanong ni Kiel nang matapos na'ko sa pagkain.

Aba, malay ko ba.

"Hindi ko alam, basta may naanong matigas na bagay sa ulo ko." paliwanag ko at sinimot ang laman ng baso.

"Thank God that I followed you." rinig kong bulong ni Kiel.

The One After (ONGOING)Where stories live. Discover now