Chapter 4

6 1 0
                                    

Denise's pov

Hinatid na'ko ni Kiel dito sa bahay.

Umuwi na siya at hindi na nagtagal pa dito dahil may dadaanan pa daw siya.

Sus, maniwala.

I changed into silk pair of pink pajamas. Mabuti at walang homework kaya nag-dutdot muna ako sa cellphone.

Na-cringe ako nang umabot ako sa pags-stalk ng dati kong account sa Instagram nung bata pa ako.

Sandamakmak ang halo-halong mga picture ko doon. Naka-public pa kaya nakaramdam ako ng hiya.

Puro picture ko kasi iyon tuwing may ginagawa ako, I take photo when I'm cooking, having sleepover in my friends or cousins, helping my grandma in the garden and there's more than that.

Pero hindi na'ko 'yan ngayon. Naka-private ang account ko ngayon at iilan lang ang mga picture.

Young Denise, d'yan ka na lang, hindi na kasi ako masigla at maligalig na katulad mo ngayon, na maski pagkawala ng ngipin pinopost sa social media.

Napunta ako sa pags-stalk ng account ng mga pinsan ko. Well, it was aesthetic, mga naka-iphone kasi at spoiled.

How about Kiel, may cringe accounts din kaya siya dati?

Natawa agad ako sa naisip. Sinearch ko ang pangalan niya at tama ako dahil may iba pa siyang account.

Okiel Ramirez

Pinindot ko ang account na iyon na nasa baba lang ng mismong account niya.

Mabuti nga at hindi naka-private iyon. Ini-stalk ko ang timeline niya and surprisingly- iilan ang tag sa kaniya ng mga magkakaibang tao.

San Dee is with Okiel Ramirez and 45 others.

Waiting sa statement mo, we believe in you!

3.2k reacts/ 743 comments/311 shares

Jamie Torres is with Okiel Ramirez and 96 others.

Our VenOkie team is gone, tambak na yung kaso. Suck those polices na binalewala ang kasong 'to.

2.5k reacts/ 643 comments/ 235 shares

Renica Kiss is with Okiel Ramirez and 73 others.

VenOkie team BARDAGULAN, miss na miss ko na! Wala nang kwenta ang mga nakatataas ngayon, maski simpleng kaso nga hindi masolusyunan, yung gan'to pa kaya!

3.6k reacts/ 956 comments/ 395 shares

1 comment from a mutual friend.

Delilia Celis

Hindi ba talaga masolusyunan o hindi na pinaki-elamanan? We could tell sa nag-viral na video nung police na binalewala na talaga nila yung kaso. Basta for people's sake, tayo-tayo na lang talaga ang magtutulungan.

127 reacts/ 32 replies

-----

D-Delia?

She used to be my friend, then something happened that cannot make me forgive her. Hindi ako nagpatawad kahit alam kong nasaktan ko rin siya.

The One After (ONGOING)Where stories live. Discover now