Chapter 17

723 25 6
                                    

REIVEN'S POV**

"Tulala ka nanaman, the movie's starting," tugon ni West na syang naka agaw ng atensyon ko mula sa malalim na pagmumunimuni.

She's currently holding my hands under the same blanket while watching an animated movie with the title "Valley of Lanterns."

I smiled at her bago muling itinuon ang tingin sa pinapanuod.

It's already midnight, wala pang balak matulog itong isa, while ako naman di makaramdam ng antok sa dami ng kape na nainom kanina sa cafe with Danielle.

Tahimik lang si West na nanunuod, she's invested. Mahilig kasi sya sa movies lalo sa mga animated ones with deep life lessons. Mula kanina siguro, nakailang movies na rin kami.

And ako naman, since wala rin gagawin, I just joined in.

"Di ka ba pupunta sa boutique mo tomorrow?" I asked, referring to her flower shop.

Pangalawang araw na kasi to na di nya pa pinupuntahan sarili nyang business. Napaka galing na CEO.

Ngumuya pa ito nang saglit bago nag kibit-balikat.

"Andun naman sila Jasmine, they can handle it."

"Pano pag may issue?"

"They can call me naman, what are phones for kung di gagamitin?" natatawa nyang sagot, still eyes on the television.

"Wala kang lakad with your boyfriend?" I said, trying to find a way out.

"Nope."

"Appointments?"

"No, rei."

"Plans? gathering with friends-"

"Reiven yung totoo, are you trying to get rid of me tomorrow? maguuwi ka nang babae no?" she said, halatang naiirita na kaya humarap na sya sakin.

"H-huh? n-no! nagtatanong lang..." I whispered.

Napailing nalang ito.

We just went back into watching after an awkward silence.

Nabalik lang mga iniisip ko sa sinabi ni Danielle. She had a point, and honestly, I should take her advice. Di pwedeng ganito lang ako.

I was about to ask West something, pero pag lingon ko, she was already asleep sa couch.

Everytime this happens, nakasanayan ko nang bubuhatin sya papunta sa kwarto nya.

So I stood up and was about to lift her nang maalala.

I should give myself some distance para kahit papano, I could get over this silly feeling I had for her.

I sighed at nagdesisyon na ayusin nalang ang pagkaka tuck ng kumot nya.

Saglit akong nagligpit, before going upstairs, sinugardo kong bukas ang lamp sa gilid ng couch.

Para kahit papano, pag nagising sya aware sya kung nasaan sya. Sumisigaw kasi si West pag naalimpungatan na madilim ang paligid, same reason why she owns a night light.

I gave one last look, sleeping peacefully. I was in between of deciding wether to pick her up or wag na.

But this time, I decided not to.

At some point, I have to grow out of this feelings.

I can't stay inlove with my bestfriend lalo't may boyfriend sya.

This is wrong.

I sighed before finally going up my room.

Pumasok lang ako sa kwarto pero di pa rin naman ako natulog kaagad.

Friends (GxG) | FreenBecky FanficWhere stories live. Discover now