Kabanata 3

121 58 1
                                    

Vulgar

My head throbs like a drum, echoing the aftermath of last night's revelry. The alcohol's lingering haze clouds my thoughts, and waking up feels like a slow ascent from dizziness. The world around me feels blurred, and as I open my eyes, the daylight pierces through, intensifying the ache.

I groaned. Nakaramdam ako ng may kung anong mabigat sa dibdib ko. When I finally opened my eyes, I find his arms wrapped around me. Nakaunan ako sa braso niya at ang isang kamay ay nakayakap sa akin na para bang ayaw akong pakawalan. He was sleeping so well that’s why I couldn’t move or even budge my feet.

Na-frustrate ako roon.

His face looks calm and peaceful. Nadepina ang matangos na ilong at mapupulang labi. Makapal na kilay at…namilog ang mata ko nang bumaba ang tingin ko sa kanyang maskuladong katawan. Bakit wala siyang pang-itaas?! Anong nangyari sa’min kagabi?! Nasapo ko ang ulo nang marealize na naghahalikan nga pala kami kagabi! Oo naghahalikan kami tapos…tapos..

Ha? Tapos ano, Isabella? Anong nangyari sunod no’n?

Tang ina. Sa sobrang kalasingan ko ba kagabi hindi ko na maalala kung may nangyari ba sa amin? May ginawa ba kaming iba bukod doon?

Nakapulupot ang puting kumot sa aming katawan kaya sumilip ako do’n at nakahinga naman ako ng maluwag dahil may damit ako…pero hindi ito ang damit ko kagabi! Hindi ako mapakali kaya dahan dahan kong inangat ang kamay niya para makawala sa bisig niya. Nahirapan pa ako do’n dahil ang bigat ng braso niya!

Ano ba Isabella! Masyado na ba akong nabaliw? Alalahanin mo kung anong nangyari kagabi, focus!

“Shit, shit,” I mumbled as I find my clothes in the sofa. Nakatupi ito nang makita ko. Halos matapilok ako sa pagmamadali.

Good thing I still have my undergarments. Halos masabunutan ko ang sarili dahil sa pagmamadali. Hindi parin ako makapaniwala na mangyayari ‘to sa’kin! I wasn’t careful enough to fight the lust! Sunod sunod na mura ang pinakawalan ko pero mahina lang ‘yon para hindi siya magising. Pagkatapos kong magpalit ay lumabas na kaagad ako sa lugar niya. Para akong lalagnatin habang tuloy tuloy parin ako sa lakad. Mabigat sa pakiramdam kaya dumiretso ako sa pinakamalapit na restroom dito.

Gusto kong sampalin ang sarili dahil bukod sa wala ako masyadong maalala ay basta basta nalang ako sumama sa lalaki! I don’t even know the guy very well! Bukod sa pangalan niya at ang pagiging maharot niya sa mga babae.

I know what he does, he fucks and sleep around with women. I’m very much familiar with men like him. Gusto lang nila ang katawan mo at pagkatapos no'n ay babalewalahin ka na. Just by imagining the smug look in his face, although he seems the type to be good with playing his cards. And this time he used it very well!

No, hindi! Lasing lang ako kaya ako sumama sa kanya! Not because I find him attractive or what! Tama, lasing lang ako.

I gritted my teeth. Nice, Isabella. Lie to yourself more. You know your body is already lying to you.

Pinakiramdaman ko ang katawan ko at…ang sakit sa parte ng dibdib ko. Wala naman akong maramdaman sa gitna ng hita ko pero ‘yong dibdib ko lang talaga!

“Okay, pumunta ako sa condo ni Solene, nakita ko silang dalawa kaya dumiretso ako dito para subukang maglasing. Okay, nalasing ako tapos lumapit si Matthew sa’kin! Lumapit siya tapos…hinalikan niya ‘ko at dinala sa hotel tapos…tapos..” It was difficult to find words now that I don’t remember anything. “Hinalikan niya ako tapos ano na sunod?”

Para akong tanga habang kinakausap ang sarili sa repleksyon ng salamin. Ang mabuti pa tatanungin ko nalang si Matthew mamaya kung ano ba talaga ang nangyari. Kung hindi, hindi ako mapapanatag kung may nangyari nga ba sa amin o wala. Kaso sobrang pagod ako dahil ang haba ng binyahe ko para lang makapunta sa condo ni Solene. And speaking of Solene, alam kong kakausapin nalang ako no’n para sa hiwalayan namin at ang piliin iyong si John.

Slowly Burst Into FlamesTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang