Kabanata 6

72 14 0
                                    

Punch

My heart pounded like a drum in my chest as I stood there, staring into his eyes, searching for any hint of sincerity.

His brown eyes held a mesmerizing allure, like rich mahogany wood bathed in the soft glow of candlelight. With every blink, his eyes spoke volumes, conveying emotions that words could never fully capture. They were windows to his heart, drawing me in with their gentle intensity, leaving me utterly captivated by the beauty within.

I melt.

But I couldn’t afford to let my guard down, not with my heart on the line.

I brushed off his confession with a forced laugh, masking the turmoil brewing beneath the surface. Deep down, though, a part of me wished I could believe him, to let myself fall into the abyss of possibility he offered. But trust was a fragile thing, and I wasn’t ready to gamble mine on someone known for playing the game like a seasoned pro.

“I’m sorry, Matthew.. kakabreak lang namin ng girlfriend ko kaya..” bumaba ang tingin ko sa sapatos. Ayokong makita ang mukha niya at baka magsisi lang ako sa mga sinabi ko.

I heard his small chuckle. Umatras siya ng konti sa akin. “Like I said we’ll take this slow. I won’t meddle while you heal yourself. I can wait.”

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. “Maghihintay ka?”

He nodded in response. “I will wait, Isabella. But don’t push me away, I still want to be near you sometimes. I will always want to be close to you and talk to you..”

“Kung gano’n..” nakagat ko ang pang-ibabang labi, nag-iisip ng tamang isasagot. “Friends muna tayo?”

Napansin kong natigilan siya.

“Bakit?” nagtatakang tanong ko.

May mali ba akong nasabi? Ayaw niya bang magkaibigan lang muna kami ngayon? Ang sabi niya ay gusto niya paring nasa tabi niya ako at nakakausap ako kaya ‘yon lang ang puwede kong mai-offer sa kanya.

“Nothing, I felt like I'd been rejected.” hindi mawala ang ngiti sa labi niya.

Kung sabagay, sino ba naman ako para i-reject ang lalaking ito? Naiintindihan ko naman ang sinasabi niya dahil siguradong lahat ng babae ay kayang kaya niyang makuha. Sa simpleng pag ngiti at pakikipag-usap ay positibo akong mahuhulog kaagad ang ibang babae sa kanya.

“Hindi naman kita nire-reject, ang sabi mo ay hihintayin mo ako kaya naisip ko na mas mabuti kung maging magkaibigan na lang muna tayo ngayon. Tsaka, uh, sabi mo rin na dahan dahan muna tayo hindi ba?”

“Yes, you’re right. Walang problema ‘yon sa ‘kin, basta ikaw..”

Napangiti ako. “Kung gano’n mauuna na akong pumasok. Mag-iingat ka sa pag drive ha?”

“I will. Goodnight, Isabella. I’ll text you when I get home.”

Tumango ako sa kanya at pinanood siyang sumakay sa kotse niya. Nawala na siya sa paningin ko kaya pumasok na ako sa apartment. Pagkabukas ko ng ilaw ay agad akong napatalon sa kaba dahil kay Ailyn na nakasuot ng facial mask.

“Sino ‘yon?”

“Ailyn, naman! Bakit ka ba nanggugulat?” napahawak ako sa dibdib dahil sa takot. Akala ko kung ano na! “Wala ‘yon, kaibigan lang.”

“Naka mercedes benz pero kaibigan lang? Mayroon bang gano’n?” may panunuya sa kanyang tono.

Napasinghap ako at inalis ang sling bag at naupo sa sofa para makapagpahinga.

“Kaibigan ngalang ‘yon.” pag-uulit ko.

“Naku, don’t me Izzy ha! Malalaman ko rin ‘yan sa susunod na pupunta siya rito. Ako na mismo ang magtatanong!”

Slowly Burst Into FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon