Kabanata 7

74 15 0
                                    

Kaibigan

“Izzy, nasaan ka na? Kanina ka pa namin hinahanap dito. Nag-aalala na sila, Denise.”

Nilalaro ko ang paa ko habang kinakausap sa tawag si Marina. Nasa tabi ko lang si Matthew. Nakasandal at humalukipkip habang pinapakinggan ako. Naramdaman ko ang pag nginig ng katawan ko dahil sa lamig ng hangin sa labas. I hugged my body as I watched him take off his coat and put it on me.

“Uh, Marita.. bigla kasing sumakit ‘yong pakiramdam ko kaya nauna na ako. Pasensya na ha?”

“Pauwi ka na? Nag taxi ka ba o ano? Hindi ka naman lasing diba?” nag-aalalang tanong niya.

“Uh, oo. Pasensya na talaga, ha. Babawi na lang ako sa susunod.”

“Ayos lang ‘yon, Izzy. Sasabihin ko nalang sila Denise..”

Lumayo ng kaunti si Matthew sa akin dahil may tinawagan siyang kung sino. Inayos ko ang coat na bigay niya sa akin at naamoy ko kaagad ang panglalaking pabango nito.

“Salamat, Marita. Mag-ingat kayo pag uuwi na kayo.”

Napatingin ako kay Matthew. Nakakunot ang noo at seryoso lang siya habang kausap ang kung sino sa tawag. Dahil sa nangyari kanina ay nawala na sa isip ko kung paano ba niya nalaman na narito ako? Hindi ba siya busy sa trabaho niya?

Binaba ko na ang tawag pagkatapos magpaalam sa kaibigan. Napasandal ako sa pader habang inaalala ang nangyari kanina. Tanggap ko ang pag trato sa akin ni Solene pagkatapos naming maghiwalay. Ayos lang sa akin na magpanggap siya na parang wala kaming pinagsamahan. Pero iyong babastusin ako at iinsultuhin? I could never let someone disrespect me like that. She’s like a wolf hiding in a sheep’s coat.

Akala ko dati, buo ang tiwala ko sa kanya. Pero ngayon, tila lumabas ang tunay niyang kulay. Hindi ko akalaing magiging ganito siya kasama pagkatapos ng lahat ng pinagsamahan namin. Parang ang hirap paniwalaan na minsan dahil minahal ko siya.

“Hey..” he went near me as soon as the call ended. “Are you alright? I’m sorry I was late.”

I glanced at his knuckles, then lightly touched his right hand, the one he had used for punching earlier. It was still a little swollen, so I thought his hand might be hurting.

“Ayos lang ako, Matthew. Akala ko ay may trabaho ka?”

“I couldn’t stop thinking about you, so I left work to come here after seeing your Facebook post.” aniya.

Napasimangot ako. “Pero hindi ka naman tumatawag. Last time naman lagi mo ‘kong tinatawagan or tinetext para mag update,”

“I’m sorry. I really wanted to but my schedule is full packed. Hindi ko rin masyadong mahawakan ang cellphone ko dahil sa mga meetings namin.”

I didn’t say anything. I only nodded in response.

“I asked my brother to take care of things for me last month so I could take a break. I only came back to settle the paperwork that was left behind.”

I smiled a little to him. “Naiintindihan ko.”

“Really?” he beamed like a sun as he went closer to me.

“Oo, Matthew.”

Sinilip niya ang mukha ko. “You’re not sulking aren’t you?”

“H-huh? Hindi!” I almost panicked.

Narinig ko ang tawa niya. Nabigla ako nang ibaon niya ang mukha sa leeg ko para mayakap ako ng mahigpit.

“Did you miss me?”

Nararamdaman ko ang mainit na hininga niya sa paligid ng aking balat. Namumula ako at hindi ko alam kung yayakapin ko ba siya o hindi. Totoo niyan ay sobrang namimiss ko siya. Ilang araw na kaming hindi nagkita. Dalawang araw lang naman pero para sa akin napakatagal na ‘yon. Ilang araw na rin mula nang huling marinig ko ang boses niya. Akala ko kayang-kaya kong harapin siya nang makita ko siya pero ngayon, medyo kinakabahan ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 18 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Slowly Burst Into FlamesWhere stories live. Discover now