00

255 10 0
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, events, and incidents are the products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events, locales, or persons, living or dead is coincidental.

***

00

Lagman, 7


"One, two, three, and four..." patuloy na pagbibilang ng trainor habang nanlilisik ang mga mata at tinitignan ang bawat ikot ng isa't isa.

I maintained my breathing for me to execute the right form of Pirouette. We all struggled a lot since this is a very difficult type of movement. Hindi ko na naisip pa ang pag-ikot ko dahil kita ko kung paano nagsitumbahan ang mga kasamahan ko hanggang sa nawalan na rin ako ng balanse.

Habol ko ang hininga ko ay napatingin ako paligid. Everyone looks so exhausted at mukhang umiikot pa rin ang mundo sa ginawa naming pag-ikot.

Sunod-sunod na palakpak ang umalingasaw sa buong dance room. Nagsitinginan kaming lahat. Dane was looking at me with confusion in her face. Our trainor never clapped his hand. He was so strict, dapat lahat ay perfect!

"That was good since everyone is new and of course, to our performer Ballerina, Dane." puri pa niya.

I smile at my dancemate. Dane is new to our dance trope, she joined recently at iba rin ata ang course niya. We sometimes talk pero madalas ay maaga siyang umaalis dahil may pasok pa siya.

"Now, everyone compress!" he commanded.

Nasa gitna na kaming lahat, may kaunting bilin lang ang trainor namin bago kami tuluyang natapos. Dane bid her goodbyes, she didn't change at all bago siya umalis. Umiling na lamang ako at pumasok sa cr kung saan naroroon ang lahat palagi.

I change my ballet suit and wear my halter top and maong skirt. Our school doesn't have a uniform. We have our freedom to dress, anything you want ay okay na okay dito. Iyon din siguro ang isa sa rason kung bakit nilang pinili na dito mag-aral keysa sa ibang big universities.

But the only thing is, here you need to pay for tuition.

Matapos kong magbihis ay lumabas na rin ako. Tamang tama na pagkuha ko ng duffel bag na ginagamit ko ay umilaw ang cellphone ko. I answered it immediately.

"Nasa studio room ka pa rin?" ani Priam sa kabilang linya, dinig na dinig ko ang maingay na background niya.

"Nasa field na kayo? Kakastart lang ba?" tanong ko.

My friends are now at the school field to support my cousin and Priam's brother. Palaro kasi iyon ng school at kung sino ang mananalo sila iyong magrerepresent ng school namin. I don't like football at all, masyadong mainit sa field lalo na ngayong oras at napakadaming babae pa ang tili nang tili!

I don't like it. I don't like to see my flirtatious face of my cousin. Akala mo talaga ikinagwapo niya na naging captain siya ng college department nila!

"Kakastart na, ikaw na lang ang kulang. Can you move a little faster?" ramdam ko na ang inis sa boses ni Priam.

Pinagkasunduan kasing naming manood doon. Umuo lang naman ako dahil hindi nila ako tatantanan kapag hindi ako pumunta roon.

Hindi ibig sabihin na pumayag ako ay pupunta na ako.

"Pwede bang mamaya na? Kapag malapit na matapos ang laro... medyo mainit kasi..." I trailed off.

Nagpatuloy ako sa paglalakad palabas ng dance room at pupunta muna sa cafeteria. Ayaw ko munang pumuntang field, mainit, hindi nakakafresh!

"Hoy! H'wag kang feeling disney princess dito, Dior! Pumunta ka na dito, alam kung nagpapasundo ka na naman diyan!" sigaw ni Priam sa kabilang linya.

Tangled Threads of Serendipity (21st Century Club #1)Where stories live. Discover now