12

17 2 0
                                    

12

Red sparkle dress

"Are you okay?" Cairo asks as he enters my condo.

May dala-dala naman siyang pagkain at mukhang kagagaling ulit sa gym. Habang ako ay kagigising lang, walang ganang bumangon kung hindi lang siya kumatok hinding hindi ako babangon.

"Hey, Dior Lou. Are you okay?" ulit niya at lumapit para tinignan ang mukha ko.

Tumango ako at umiwas ng tingin bago umupo sa sofa. Nakapalupot pa ang comforter ko sa aking katawan at inayos ko iyon. Hindi kasi ako nakatulog kagabi, I was crying all night and my father was scolded me the whole fucking night.

After the call in school, tinungo ko kaagad ang opisina ni Ms. Diane para kausapin siya. I told her to stop pestering my father about my dancing career and that I wouldn't be able to memorize everything in a short period of time. Pero pinipilit niya talaga ako at walang ilalaban ang school dahil walang magaling.

Hindi rin naman ako magaling. I step out from that and I don't think kaya ko pa iyon pero ayaw niya talaga akong lumabayan. I decline her offer again at muli akong nakatanggap ng tawag mula kay Daddy. He was so mad, kapag nandoon ako sa harapan niya ay baka nakatanggap na ako ng sampal mula sa kanya.

His hurtful words are more like a dagger that stabs my heart more than slaps. Hindi niya man ako mapagbubuhatan ng kamay pero sobrang sakit ng mga binitawan niyang salita kagabi. They always blamed me from my brother's death and until now, they used that card against me to make me follow what they want from me.

Kaya sobrang nasaktan talaga ako at hindi ako makatulog. That incident was on my dreams everytime I fall asleep, halos umaga na ako nakatulog talaga ng maayos kaya sobrang bigat ng pakiramdam ko.

"Are you sure that you are okay, Dior?" pag-uulit ni Cairo, hindi ako sumagot kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Did you cry? Umalis ka rin kahapon at sabi ni Priam may tumawag sa 'yo ngunit hindi ka na nakabalik. Tinatawagan kita at hindi ka naman sumasagot." he said.

Hindi ko pa tinitignan ang cellphone ko simula matapos ang tawag kagabi. I saw his name on the screen when I left the school but I ignore it because I was crying. Ayaw kong nakikita niya akong umiiyak...

Tumabi sa akin si Cairo matapos niyang ilapag ang mga dala sa lamesa. He tried to reach my face but he stops, hindi ko alam kung bakit. Isang buntong hininga ang pinakawalan niya bago ulit nagsalita.

"Tungkol ba ito sa inter-school?"

Umuwang ang labi ko. Palagi ko kasing iniiwasan ang topic na iyon kapag nag uusap kaming dalawa.

"You haven't check your phone?" umiling ako sa tanong niya. "The school posted your photo for being the representative for Dance sports," he explains more.

Umiling ako. Hindi na talaga nila hinintay ang sasabihin ko. Baka si Daddy na iyong nagdesisyon para sa akin.

"Talaga bang sasali ka?"

"Wala akong choice, kaya sasali ako." sagot ko, medyo nanibago sa boses dahil siguro kakaiyak kagabi.

I could cry loudly because I lived alone. Iyon siguro ang isa sa nagandahan ko kung bakit ako umalis ng bahay.

Sa pagkakataong iyon ay lumapit sa akin si Cairo. I felt his hand on my forehead, napapikit naman ako dahil sa ginawa niya. Wala naman akong lagnat, may sipon lang at ubo. Masakit din ang katawan.

"You have puffy eyes, you cried last night." He commented.

Ramdam ko nang sasabihin niya iyon pagkapasok pa lang kanina pero pinipigilan niya lang.

Tangled Threads of Serendipity (21st Century Club #1)Where stories live. Discover now