CHAPTER TWO

5.4K 124 1
                                    

Eight years later

Madilim na ang mga ulap na tila nakikiluksa kay Erika nang pumasok siya sa loob ng coffee shop. Kaunti lang ang mga taong naroon. Napasapo siya sa kanyang ulo, saka sinabunutan ang sariling buhok pagkaupong-pagkaupo niya sa bakanteng silya. Wala siyang pakialam kung magmukha siyang tanga sa mga oras na iyon. Basta naiinis siya. Ah, hindi! Hindi langsiyanaiinis, frustrated siya! Sa sobrang frustration niya ay gusto na niyang maglupasay at mag-iiyak sa mga sandaling iyon.

Nag-angat siya ng ulo nang mag-ring ang cellphone niya sa loob ng bag niya. Bago niya kinuha iyon ay nahagip ng paningin niya ang lalaking naka-baseball cap-na nakababa ng husto na halos natatakpan na ang mukha nito-at nakaupo dalawang mesa ang layo sa kanya. Kung makatingin ito sa kanya ay tila magkakilala sila. Hindi na niya ito pinagtuunan ng pansin. Inilayo niya ang tingin dito at sinagot niya ang tawag sa kanyang cellphone.

"Hello, Erika!" bungad ng nasa kabilang linya.

"O, Rachel, napatawag ka?" walang siglang sabi niya. Kaibigan niya si Rachel mula pa noong maging magkaklase sila sa isang subject sa kolehiyo. Mas matanda ito ng isang taon sa kanya.

"Makikibalitaako. Nabanggit mo sa akin na pupunta ka roon sa opisina ng publisher na pinasahan mo ng manuscript mo. How was it?"

Pagkarinig sa sinabi nito ay nanlumo siya. "Wala na yata akong pag-asa, Rachel. I wanna die!" frustrated na sabi niya saka sinulyapan ang folder na kinalalagyan ng rejected na nobela niya.

"Ang O.A mo naman! Katapusan na ng mundo, 'teh?"

"You know how much I wanted to publish a novel, right? Peroano? Heto, hanggang ngayon wala pang naa-approve sa mga isinulat ko. Reject nanamanang manuscript ko." Himutok niyasakaibigan.

Iyon ang panlimang nobela na na-reject sa kanya. Kung anu-anong website na ang binisita niya para humanap ng technique na makakatulong sa kanya para ma-improve ang pagsusulat niya ngunit walang nangyari.

"Baka naman may kulang sa mga isinusulat mong nobela kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin pasado sa standards nila." sabi nito. Nagtatrabahoitosa isang teenage magazine for girls bilang isang associate editor.

"Hindi ko na nga alam ang gagawin ko." She let out an irritated sigh. "Itigil ko na kaya ang kalokohang ito?"

"Girl, don't lose hope. Don't stop writing. Hindi ba sabi mo sa'kin passion mo 'yan? Anon'g malay mo, sa mga susunod mong nobela maaprubahan ka na?" Payo nito.

"Kailan naman mangyayari 'yon?" Sa totoo lang ay inip na inip na siya. Gustong-gusto na niyang makita ang librong isinulat niya na naka-display sa bookstore. She had always been dreaming about that.

"Kapag kulay pink na ang langit!" Sagot ng kaibigan niya.

"Sira ka talaga!" aniya na napapailing habang ito ay tumatawa sa kabilang linya. "Nakakainis ka!" kunwa'y naiinis na sabi niya ngunit may ngiti sa kanyang labi.

"Ano ka ba? Pinatatawa lang kita, masyado ka kasing seryoso. Huminto ito sa pagtawa kapagkuwan ay sumeryoso, "Erika, sabi nila habang may buhay, may pag-asa! Kaya ikaw, 'wag mawawalan ng pag-asa! Magagawamongmakapag-publish ng nobela. Believe in yourself, okay?"

"Thank you, friend." Nagpapasalamat siyang tinawagan siya nito dahil gumaan ang loob niya. Narinig niyang may tumawag sa pangalan nito. "O siya at baka naabala na kita, alam kong busy ka. Bye. See you soon."

"Sige. Bye! 'Kitatayo next time!"

Binalik niya ang kanyang cellphone sa loob ng bag niya nang mawala ito sa linya. Sinulyapan niyang muli ang folder nanasa ibabaw ng mesa. Napailingsiya. She grabbed her cup and sipped her coffee.

Tatta Hitotsu no Koi (COMPLETE- My One And Only Love) [Published 2012 under PHR]Where stories live. Discover now