CHAPTER SIX

5.1K 101 0
                                    


DAHIL sa kagustuhang matupad ang kanyang mga pangarap na makapag-publish ng nobela ay sinunod ni Erika ang payo sa kanya ni Shinji nang nagdaang gabi. Nang sabihin nito sa kanyang "Go out and experience things outside your comfort zone..." naisip niyang tama ito. Hindi sapat ang pananatili niya sa beach house upang ma-inspire sa kanyang pagsusulat ng nobela. Mas maraming interesanteng bagay sa labas na makakatulong sa kanya sa pagbuo ng panibagong istorya. Kaya naman nang yayain siya nitong sumama dito sa isang hotel/restaurant sa Metro Manila—kung saan ito nagpaunlak na ma-interview ng female columnist na si Lindsay Ventura para sa isang showbiz magazine—ay hindi na siya nag-dalawang isip pa.

Ngunit gusto yata niyang pagsisihan ang pagsama dito dahil hindi siya makapag-concentrate sa kanyang pagsusulat mula sa kanyang laptop. Hindi miminsang napapagawi ang tingin niya sa direksiyon nito at hindi niya nagugustuhan kung paano umasta kay Shinji ang naturang columnist. Kung paanong friendly sa isa't isa ang dalawa ay tila may kung anong pumipiga sa puso niya.

"You're getting hotter and hotter each time I see you, Shinji." Ani Lindsay. Halatang nagpapa-cute ito sa lalaki. Panay ang pa-pungay ng mga mata nito at kasabay ng malanding pagtawa nito ay may pa-hampas-hampas pa itong nalalaman sa braso ng lalaki. At malamang din na sinadya nitong magsuot ng blusa na halos lumuwa na ang mga dibdib nito sa baba ng neckline niyon upang sadyang akitin ang bokalista.

Ngumiti si Shinji. "Thank you. You look pretty yourself."

Bumungisngis ang babae.

Napasimangot siya. Kahit ilang mesa ang layo ng mga ito sa puwesto niya ay maliwanag sa pandinig niya ang pinaguusapan ng mga ito. Kung puriin nito ang tv host ay tila humahanga ito sa babae. Eh, ano naman kung hangaan ni Shinji si Lindsay? Wala ka ng pakialam do'n! sita sa kanya ng isang bahagi ng isip niya. Well, maganda naman talaga si Lindsay, walang duda iyon. Pero maganda din naman ako! Ayaw patalo na sabi ng isang bahagi niya. Teka, ano ba ang nangyayari sa kanya? Ikiniling niya ang ulo.

Ibinalik niyang muli ang pansin sa kanyang laptop para hindi mainis. Ngunit wala pang tatlong minuto ay muli siyang napatingin sa gawi ng mga ito dahil muling napabungisngis si Lindsay. Paano pa siya makakasulat ng matino gayong nadi-distract siya sa eksenang nasasaksihan niya sa pagitan ni Shinji at Lindsay?

May kung anong pakiramdam na sumanib sa kanya na tila gusto niyang hilahin ang buhok ni Lindsay palayo kay Shinji ng mga sandaling iyon. Hindi lang iyon, parang may pinong kirot sa puso niya habang pinagmamasdan ito na may kasamang ibang babae.

Eh, bakit ka naman magkakaganyan, ha, Erika? Sita ng isang bahagi niya.

Ano nga ba ang ipanagkakaganoon niya na tila may sakit na hatid sa puso niya na makitang may ibang babaeng kasama si Shinji? Selos ka lang! naitakip niya ang mga kamay sa kanyang mukha sa realisasyong iyon.

Yes, she was jealous. Hindi niya matanggap na may ibang babae nang pinag-iinteresan ang kaibigan niya. Ngayon pa niya na-realize iyon kung kailan hanggang pagtinging magkaibigan na lang ang mayroon ito para sa kanya.

"Hey, are you okay?" naramdaman niya ang pagdantay ng kamay ni Shinji sa balikat niya dahilan upang alisin niya ang pagkakatakip ng mga kamay niya sa kanyang mukha.

"I-i'm fine." Ngunit taliwas iyon sa nararamdaman niya. Tila nagkakagulo ang buong sistema niya. At gusto niyang itanong dito kung sino si Lindsay sa buhay nito.

"Pinaghintay kita nang matagal, nainip ka yata." nag-aalalang sabi nito. "Nagugutom ka ba. Gusto mong kumain muna?" umiling siya.

"Hindi naman ako nainip. Tapos na ang interview mo?" tumango ito.

Tatta Hitotsu no Koi (COMPLETE- My One And Only Love) [Published 2012 under PHR]Where stories live. Discover now