CHAPTER SEVEN

4.2K 86 0
                                    


NANG matapos si Shinji mula sa pagsusulat nito ng mga kanta at si Erika naman ay natapos nang isulat ang istoryang si Shinji ang ginawa niyang bida ay napagpasiyahan nilang bumalik na ng Metro Manila tatlong araw na ang nakakaraan. Para sa kanya ay sapat na ang inilagi niya sa beach house upang maibalik ang kanyang drive sa pagsusulat ng nobela at tiyak niya rin sa kanyang sarili na wala na ang pait na idinulot sa kanya ng dati niyang kahibangan kay Vince. Mayroon na siya ng bagong inspirasyon ngayon na naging dahilan upang maging mas productive at mas creative sa kanyang passion sa pagsusulat.

"Hi, Erika!" bati ni Curtis—ang lead guitarist ng Vampyres—sa kanya nang maipakilala siya ni Shinji dito nang pumasok sila studio na pagdadausan ng photoshoot ng grupo nito. Kaninang hapon ay pinuntahan siya ng binata sa kanyang bahay upang isama sa lakad nito. Hindi na siya nagdalawang-isip na sumama dito dahil kahit ilang araw pa lang ang nagdaan mula nang huling magkasama sila ay na-miss na niya ito. Actually, lagi niyang nami-miss ito. Bukod sa dahilang iyon, gusto niyang malaman kung ano ang pang-araw-araw na pangyayari sa buhay nito bilang isang sikat na bokalista.

Kinawayan niya si Curtis at ngumiti. "Hi, Curtis!"

"Is she the girl..." nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanya at kay Shinji.

"The girl I was talking you about." Nagmamalaking sabi ni Shinji na hindi na pinatapos ang sasabihin sana ni Curtis. Ipinalibot ng lalaki ang braso nito sa balikat niya.

"Oh, finally!" halatang masaya si Curtis. "Sa wakas nakilala ko na rin ang babaeng kinababaliwan nitong kaibigan ko."

"'Wag ka nga!" asar na sawata ni Shinji sa kaibigan.

"Oh yes, finally we met Erika." Singit naman ni Radley mula sa likuran nila. Ito ang drummer ng banda. "Alam mo bang walang tigil 'tong si Shinji sa kaka-kuwento tungkol sa'yo? Hindi nga ako naniniwala na may nag-e-exist na Erika Angeles sa mundo." tumaas-baba ang mga kilay nito.

"Shut up, Radley! Ako na naman ang pinagiinitan n'yo." binalingan siya ni Shinji. "Don't mind him, okay? Wala lang magawa sa buhay ang isang 'yan."

Ngumiti lang siya sa lahat ng mga sinabi ng mga ito. Naaaliw siya sa mga kaibigan ni Shinji. Ang kukulit kasi ng mga ito na parang mga bata. Natutuwa siya na pati pala sa mga kaibigan nito ay nakukuwento siya nito.

"Ang buong akala namin kathang isip lang niya iyon para itaboy si Alessandra."

"Alessandra?" tanong niya sa mga ito.

"Pinsan ng record producer namin na si Danny." Sagot ni Radley sa kanya.

Curious man siya kung sino ang babae at ano ito sa buhay ni Shinji ay hindi na siya nagtanong pa.

Iginala ni Shinji ang mga mata ni sa loob ng studio. "Nasaan si Drew?" paiwas na sabi nito.

"Drew's just around. Malamang inaalipin na naman ang PA niya." Sagot ni Curtis.

Humarap sa kanya si Shinji. "The photoshoot would take a lot of time." Ang photoshoot ng Vampyres ay para sa isang kilalang rock magazine sa Pilipinas. Ang grupo nito ang featured artist sa naturang magazine sa susunod na buwan.

"I'd be fine here. I brought my laptop with me." Pag-assure niya rito.

Marahan nitong pinisil ang pisngi niya. "I'll go to the dressing room." Paalam nito sa kanya.

Nakangiting sinundan niya ng tingin ang daan na tinahak nito. Ilang saglit pa ay nagsimula na ang photoshoot ng mga ito.

Nakailang change of costumes na rin ang Vampyres pero mukhang hindi pa rin nagsasawa ang photographer sa kakakuha ng larawan sa apat na lalaki.

Tatta Hitotsu no Koi (COMPLETE- My One And Only Love) [Published 2012 under PHR]Where stories live. Discover now