CHAPTER FOUR

5.1K 109 2
                                    


INALIS ni Erika ang suot niyang sunglasses sa mga mata, saka ginawang headband iyon. Init na init siya. Pinaypayan niya ang sarili gamit ang kamay habang tinatanaw ang two-storey-four-bedroom beach house na pag-aari ng kanyang pamilya sa Calatagan, Batangas. Iyon ay conjugal property ng kanyang mga magulang na nang maghiwalay ay napunta sa kanyang mommy. Kulay puti at dilaw ang gate at fence niyon. May mga coconut trees sa paligid at may maliit na garden. Sixty meters ang layo mula sa dagat. Mayroong matandang mag-asawa na nangangalaga roon. Sigurado siyang dadatnan niya iyon ng malinis.

Nag-commute lang siya papunta roon. Kulang-kulang tatlong oras ang ibiniyahe niya. Pinahihiram sa kanya ng kanyang ina ang Honda Accord nito ngunit tumanggi siya. Alam niyang mas kailangan ng kanyang mama ang sasakyan nito dahil napaka-busy niyong tao. Isa pa, ibig niyang makapag-isip nang mahaba-haba habang nasa biyahe siya. Dahil kung siya ang mismong magmamaneho ng sasakyan ay baka sa kung saan siya pulutin dahil sa halu-halong emosyon niya. May parte parin ng sistema niya ang nasasaktan sa ginawa ni Vince sa kanya–after all, limang araw pa lang ang nakalilipas nang mahuli niya ito sa kataksilan nito.

Idagdag na rin ang frustration bilang isang romance novelist. Magda-dalawang linggo na ang lumipas mula nang ma-reject ang last manuscript niya ngunit hanggang ngayon ay hindi siya makapagsulat ng bagong nobela. She was running out of ideas. Kung ang ilang prolific writers ay nakakaranas ng writer's block, siya ay meron din niyon. Mas matindi pa. Hindi nagpa-function nang matino ang utak niya–at napu-frustrate siya!

So to aid her dilemmas, naisipan niyang magbakasyon. Nag-request siya ng two-month leave sa opisina. Pumayag naman ang kanyang mommy dahil ito naman ang may-ari ng kompanya. Actually ito pa nga ang nag-suggest ng bagay na iyon sa kanya nang masabi na niya rito ang nangyari sa kanila ni Vince. At ito rin ang nagpumilit sa kanya na sa beach house nila sa Batangas siya magbakasyon.

Naroon siya ngayon para humanap ng magandang inspirasyon para bumalik sa kanya ang drive na makapagsulat muli at upang makalimutan ang pait na dulot ng pananakit ni Vince sa damdamin niya.

Ipinilig niya ang kanyang ulo. Masakit na sa kanyang balat ang sikat ng araw. Inihakbang na niya ang mga paa, bitbit ang kanyang maleta patungo sa gate ng kanilang beach house. She had the key on the front door that was why she didn't bother to knock if anybody was there. Sa umaga lang naroon ang mag-asawa upang maglinis ng buong bahay—alas-dos ng hapon na siya nakarating doon kaya alam niyang walang katao-tao roon.

Binuksan niya ang pinto. Parang kakaiba ang pakiramdam niya sa buong kabahayan nang pumasok siya. It felt like someone had been staying there. But then, sino naman ang maaring tumira doon maliban sa kanilang mag-ina? Hindi naman open for rent ang kanilang beach house sa ibang tao. She shrugged her shoulders. Napapraning lang siguro siya.

She looked around the house. Kumunot ang noo niya nang mapansin ang digital piano na nasa living room. Dalawang taon na mula nang huli siyang magtungo doon. Wala siyang natatandaan na may piano sa bahay na iyon. Ngunit ipinagkibit-balikat na lang uli niya iyon. Malamang ay bagong purchase iyon ng kanyang mommy.

Nagtungo siya sa silid na ginagamit niya sa bahay na iyon. Inilapag niya sa sahig ang kanyang maleta. Bagong palit ang kubrekama at mga punda. Nang maisara niya ang pinto ay agad na nahiga siya sa kama. Pagod na pagod siya sa biyahe. She closed her eyes. In seconds she drifted herself to sleep.

NAALIMPUNGATAN si Erika sa tunog ng gitara na narinig niya. Sinipat niya ng tingin ang kanyang wristwatch-alas-sais y medya ng gabi na. Kapagkuwan ay napakunot-noo siya. May iba pang tao roon maliban sa kanya? Napabangon siya mula sa kama. Binuksan niya ang pinto at dahan-dahang lumabas ng kanyang kuwarto. Binalot siya nang kaba nang mas maging prominente ang tunog niyon nang makababa siya ng hagdan.

Tatta Hitotsu no Koi (COMPLETE- My One And Only Love) [Published 2012 under PHR]Where stories live. Discover now