CHAPTER EIGHT

4.2K 85 0
                                    


ILANG araw matapos ang bakasyon nila sa Japan ay nagbalik na sila ng Pilipinas. Bumalik na rin siya trabaho sa kompanya ng kanyang mommy at patuloy parin siyang nagsusulat ng nobela. Matapos ang trabaho niya ay sinundo siya ng binata sa opisina at dumaan muna sila sa studio ng Stellar Records na siyang opisina ni Danny Meneses dahil may rehearsal ang banda nito. Nakagawian na nila gabi-gabi, basta may pagkakataon ay sabay silang nagdi-dinner.

"Honey." Agad na sumugod kay Shinji ang babaeng nasalubong nila sa hallway at tumawag dito ng "honey". Walang sabi-sabing niyakap nito sa leeg ang lalaki at hinalikan sa mga labi.

Nanlaki ang mga mata ni Erika nang masaksihan niya iyon. Tila tuod naman si Shinji na hindi nakakilos.

"Aherm!" Malakas na tumikhim siya para kunin ang pansin ng kasintahan. Narinig iyon ng binata kaya kagyat itong umatras sa babaeng humalik dito at kinalas ang mga braso nitong nakapulupot sa leeg nito.

"I missed you, Shinji, honey. I have been looking for you." Napaka-cheerful ng tinig nito. The woman was tall; she could almost reach Shinji's height. She was skinny as a stick like a typical fashion model. She had a perfect tan skin, shiny long brown hair and almond eyes. The woman was beautiful she looked like she stepped out straight from Vogue magazine. Iniangkla nito ang isang braso nito sa braso ni Shinji. Touchy-touchy ito sa nobyo niya.

She smells trouble.

Sunud-sunod ang naging pagtikhim niya nang tila hindi parin siya napapansin ng babae. Kumunot ang noo nito nang sa wakas ay mapansin siya nito. Base sa rehistro ng ekspresyon ng mukha nito, hindi nito nagugustuhan ang nakikita sa kanya.

"Who is she?" nakataas ang mga kilay na tanong nito kay Shinji.

Inalis ni Shinji ang kamay ng babae dito nang pandilatan niya ito. "She's Erika, my girlfriend." Lumapit sa kanya si Shinji at inakbayan siya. "Erika, she's Alessandra Meneses."

Nakita niya pag-asim ng mukha ng mukha ni Alessandra nang sabihin ni Shinji na girlfriend siya nito.

Alessandra Meneses... Bakit tila narinig na niya ang pangalan nito kung saan? Mabilis na pinagana niya ang kanyang isip. Ang buong akala namin kathang isip lang niya iyon para itaboy si Alessandra. Ito ang nabanggit na pinsan ni Danny. Base sa mga kilos nito sa harap ni Shinji, natitiyak niyang higit pa sa isang common acquaintance ang dalawa.

"You already got yourself a new girl?" tila ayaw bumaba ng isang kilay nito sa katitingin sa kanya. "Or are you just trying to make me jealous, honey?"

"Alessandra, don't start, okay?" mahinahon ngunit may babala sa tinig ni Shinji.

"Shinji, start na ng practice." Ani Radley nang makita sila sa hallway. "Oh, hi Alessandra. Akala ko nasa New York ka pa para sa fashion week." Baling nito kay Alessandra.

Tinanguan ni Shinji si Radley. "Hindi naman kami magtatagal. Two hours tops." Sabi ni Shinji sa kanya.

"No need to worry." Nakangiting sagot niya. Sandaling nakalimutan ang presence ng sosyal at sopistikadang si Alessandra.

He smiled. Tiningnan nito si Alessandra. "We'll go ahead." Anito sa babae.

"I'm staying here. I have to talk to Kuya Danny." Animo ay prinsesa na sabi nito.

Naglakad sila papasok sa studio. Agad na pumuwesto si Shinji sa recording booth kasama ang mga kabanda nito. Pumuwesto naman siya sa isang gilid kasama ang manager ng mga ito na si Miss Loraine at pinanood ang mga ito.

Tatta Hitotsu no Koi (COMPLETE- My One And Only Love) [Published 2012 under PHR]Where stories live. Discover now