CHAPTER NINE

4.5K 106 0
                                    


KINABUKASAN, pagkagising ni Erika ay naisipang niyang puntahan si Shinji sa condo unit nito. May missed call at text na: 'Can't wait to see you' sa cellphone niya galing dito. She can't wait to see him and tell him the good news. Wala pang isang oras nang matuton niya ang building ng condo unit ni Shinji.

"Good morning, ma'am." bati sa kanya ng security guard. Kilala na siya roon.

"Good morning, manong." Nginitian pa niya ito.

"Madaling araw na nakauwi ang sweetheart n'yo." Naging alanganin ang ngiti nito nang tingnan niya ito. Kilala na siya roon dahil kung minsan ay dinadala siya roon ni Shinji kapag pahinga nito sa trabaho. Umarko ang mga kilay niya sa tinuran ng guard.

"Dela Cruz!" sita rito ng isang kasamahan din nitong security guard sa building na iyon. "'Wag n'yo pong intindihin itong kasama ko." Iniwan na niya ang mga ito. Pumasok siya sa elevator.

Nasa eight floor ang unit ni Shinji. Kinuha niya extra key na ibinigay nito sa kanya sa condo unit nito sa loob ng kanyang bag. Isinuksok niya iyon sa keyhole at binuksan ang pinto.

Madilim ang loob ng condo. Binuksan niya ang ilaw. Napansin niyang makalat iyon. Nakalimutan siguro nito na tawagan ang cleaning lady nito. Minsan ay siya ang naglilinis ng bahay nito kapag naroon siya.

Inayos niya ang nagkalat na magazine sa sahig gayon rin ang mga unan sa couch.

"Nasa'n ba ang lalaking 'yon?" kausap niya sa sarili. Nagtungo siya sa kusina.

Ang pintuan sa kanan ay ang banyo. Naririnig niya ang lagaslas ng tubig mula roon. Malamang ay naliligo si Shinji. Lumapit siya roon at kinatok iyon. "Shinji..." tawag niya rito. Walang sagot mula roon. Nagpasya siyang hintayin na lang itong matapos sa paliligo.

She headed her way to his room. Kumunot ang noo niya sa mga naapakan niyang nagkalat sa sahig. Naroon ang hinubad na pantalon nito, t-shirt at... ang boxers nito. Dinampot niya isa-isa ang mga iyon.

Nakasara ang pinto ng kuwarto nito. At doon ay nadagdagan ang gatla sa noo niya nang madampot ang kulay pulang... lacy bra!

Natitiyak niyang hindi sa kanya iyon. Thirty-four cup B ang gamit niya at wala siyang ganoong style ng bra. Hindi rin niya ugali ang mag-iwan ng damit sa bahay ni Shinji.

May kung anong kaba ang umusbong sa dibdib niya. Binuksan niya ang pinto sa kuwarto ni Shinji at nagulantang sa nakita niya. There he was lying on his bed without anything on! Tanging kumot lang ang nagtatakip sa ibabang parte ng katawan nito. Tulog na tulog ito at payapang-payapa na marahil ay napagod sa magdamag na pagpapasarap, kaulayaw ang ibang babae!

Humawak siya sa pinto. Pakiramdam niya ay nanghina ang mga tuhod niya. Tila isang replay lang iyon sa nakaraang naganap sa buhay niya. Ipinikit niya ang mga mata niya. Umaasang isang masamang panaginip lang ang lahat ng ito.

"Oh, you're here. It's a pleasant surprise Erika."

Napalingon siya sa kanyang likuran. Si Alessandra, bagong ligo at nakasuot ng roba na alam niyang roba ni Shinji. Hindi siya nananaginip. Totoo lahat ng nakikita niya!

"Did you... did you just..." hindi niya maituloy ang nais niyang sabihin dahil naggiritan ang mga bagang niya sa pag-ahon ng galit na naramdaman. Pinaglipat-lipat niya ang tingin dito at ang talipandas na nakahilata sa kama.

"Didn't I say, I'm gonna get him back? He was so good last night." Ngising-ngisi ito. "It seems like he's not getting any with you, darling. Sabi ko naman sa iyo, he would always come back to me. Our fires match."

Tatta Hitotsu no Koi (COMPLETE- My One And Only Love) [Published 2012 under PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon