Chapter 4 (Elise's POV)

600 8 1
                                    

Ano ba naman kasing kabaliwan yung naisip ko at pumunta ako sa bar na yun.. yan tuloy nakita ko pa yung pesteng mayabang na lalaking yun.

Pero kahit mayabang sya salamat na rin kasi di ako masyadong nasermonan kasi kilala pala sya ni daddy.. at yung kiss talaga nya yung di ko makalimutan HAHAHA!

HAAAAAAAYYYYYYYYYY.. ELISE NAPAPANO KA BA! MAYABANG SYA! MAYABANG! >_<

So eto na nga, may dinner daw kame pero ayoko naman talagang sumali sa dinner na yun kasi masisira lang gabi ko >_<

Pero ano nga bang magagawa ko diba? ANAK LANG AKO E.. kailangan ko SUMUNOD >_<

Di na ko masyadong nag ayos at di na rin ako nagpaka bongga sa isusuot ko.. Sa bahay lang naman kasi at di ko naman type yung mga dadating kaya keri na rin.. Pinusod ko lang yung buhok ko para di ako mukhang haggard tignan.

Pagkababa ko ng hagdan, nakita ko na agad si Sed.. parang natutunaw ako sa titig nya pero syempre di ko yun pinapansin, baka isipin pa nya nakikipag titigan ako sa kanya!

Sabi ni dad umupo ako sa tabi ng lalakeng hate na hate ko! kaya yun sumunod naman ako kahit ayaw kong gawin..

Pagkatapos namin mag dinner naiwan kaming dalawa.. hay nako, talagang sira na yung gabi ko kasi kasama ko pa rin ang taong ayaw ko sa buong buhay ko.

Gwapo na sana e, kaso yung ugali sumagad sa lupa.. WALANG KWENTA!

At eto pa, tinanong pa nya ko kung nagka boyfriend na ko, eh paki ba nya?! KAINIS >_<

Pwede ba Mr. Antipatiko, I'm trying to move on, kaya wag mong dagdagan ang pressure sa buhay ko.

Sa totoo lang, pogi talaga sya.. sarap nga nyang titigan e, kaso baka mahuli akong nakatitig sa kanya.. Kaya sinusungitan ko nalang sya para di halata haha!

Pero na hurt ako dun sa sinabi nya na kawawa magiging boyfriend ko pag nagkataon, e ako nga yung kawawa ngayon e :(

END OF POV 

Little Red DressDonde viven las historias. Descúbrelo ahora