Chapter 8 (Courtship 101) Summer Fun :))))

578 7 0
                                    

Pagka gising ko ng umaga di pa rin ako lumalabas sa kwarto ko.

Ayoko rin buksan ang facebook ko.

Gusto kong mapag isa >_<

Narinig kong kumakatok nanaman si Manang Fe

"Elise, di ka pa ba kakain?"-Manang Fe

"Di po ako gutom"-Ako

"Kagabi ka pa di kumakain eh"-Manang Fe

"Bababa nalang po ako pag gutom ako"-Ako

"Ikaw bahala"-Manang Fe

Tinignan ko ang phone ko. Ang dami na palang missed calls ni Sed

2 messages received:

Sed: Good Morning princess! How are you? Take your breakfast ok? Call you later gym lang kame :)

Sed: Tulog ka pa rin ba? Puntahan kita sa bahay nyo you want? Labas tayo :) Text mo ko pag gising ka na

Di ako nag reply.

Ayoko munang kausapin kahit na sino.

Masama pa rin ang damdamin ko.

Ang laki ko na e! Ang tanda ko na pero bakit di pa rin pwede? -____-

Umiyak nanaman ako.

SED CALLING

Sinagot ko.

"Tulog kapa rin ba? Nagising ba kita?"-Sed

"Gising na ko, good morning"-Ako

"Oh, matamlay pa rin boses mo? Kakatapos lang namin mag gym ni Chino at Mark.. Tara lunch?"-Sed

"Ayokong lumabas ng bahay.. Dito muna ko"-Ako

"Puntahan nalang kita dyan gusto mo ba?"-Sed

"Hinde sige ok lang ako.. Bukas na ba kayo pupunta ng Cebu?"-Ako

Naiiyak nanaman ako -_____-

"Oo eh.. sigurado ka di na kita pupuntahan dyan?"-Sed

"Oo, sige mamaya nalang ligo lang muna ako.. Bye"-Ako

"Ok bye"-Sed

END CALL

Hay naisip ko nanaman ang bakasyon :(

Edi sana nag eempake na ko ng dadalhin ko para bukas.

Edi sana makakapag two piece na ko.

Edi sana ineenjoy ko na ang dagat.

Edi sana kasama ko na si Sed.

Edi sana MASAYANG MASAYA AKO T___________T

OKAY.. Pangarap nalang nanaman.

Di ko namalayan nakatulog nanaman pala ako ulit.

Alas dos na ng hapon ng may marinig akong nag uusap sa sala.

Pinuntahan ako ni Manang Fe sa kwarto ko.

"Oh buti gising kana pala, tara pinapa baba ka ng daddy mo sa sala"-Manang Fe

"Bakit daw po?"-Ako

"Basta bumaba ka nalang"-Manang Fe

"Sige po susunod ako"-Ako

Nag suklay muna ako ng buhok at lumabas ng kwarto.

Pagkababa ko sa hagdan, nakita ko sina Tito Ric, Tita Shey at Sed.

Little Red DressWhere stories live. Discover now