Chapter 12 (Happy Day! ^_^)

456 5 0
                                    

Ang bilis talaga ng panahon.

Graduation day na namin! :)))))

Sa bahay ako umuwi kasi kasabay kong pupunta sa school sina mommy at daddy.

Syempre kasama din si Manang Fe.

Dahil magka iba kami ng school ni Sed sinabi nya sa'kin na pupuntahan nalang nya ko sa school ko.

Ng malapit ng mag umpisa ang program nakita ko na sya.

May dala syang dalawang bouquet ng bulaklak.

Ang isa red roses lahat at ang isa naman ay pink roses lahat.

Binigay nya sa'kin ang isang bouquet ng red roses at binigay naman nya ang pink roses kay Chelsea.

Bago ako pumunta sa upuan ko, niyakap ko sya ng mahigpit.

Heto na, malapit na kong mag speech.

Habang sinasabi ko na ang speech ko, nakatitig lang si Sed sa'kin, si mommy, daddy, at Manang Fe naman ay iyak ng iyak.

Si Chelsea naman at Miggy ay tuwang tuwa.

"I won't be able to achieve my dreams without those people who supported me all the way. To my parents, thank you for all your undying love and support. To my best friend, thank you for all the advices that you're giving me whenever I have heart problems (tumawa lahat ng tao) and to the man that changed my life so much. Thank you for all the care and the love that you're giving me. I love you Sedrell Vilafuerte"-Ako

Nakita kong ngumiti si Sed at sumigaw

"I LOVE YOU MA. ELISE ALCANTARA!"-Sed

Nag tinginan naman lahat ng tao sa kanya at pumalakpak.

'KASALAN NA!"-Chino at Mark

Hindi ko alam na nandun din pala sila.

Ng makadating na kami sa bahay, kumain muna kaming lahat at nag paalam kami ni Sed na lalabas kami pagkatapos mag dinner sa bahay.

Mag cecelebrate din kami.

Umuwi muna kami sa condo ko.

Nagulat ako ng tanungin nya ko.

"Elise may pictures ba tayo sa phone mo?"-Sed

"Oo yata, check mo. Bakit?"-Ako

"Eto nakita ko na, ang cute pala natin dito"-Sed

Tinignan ko yung picture na sinasabi nya.

Nakatalikod kame at sya naman ay naka akbay sa'kin.

"Gawin natin wallpaper"-Sed

"Wag mo nga yan"-Ako

"Sungit, try lang naman natin e.. Tignan mo bagay oh"-Sed

"Hay nako ikaw talaga"-Ako

"Anong naka save na pangalan ko sayo?"-Sed

Ang kulit >_< nag aayos kasi ako kaya ayokong kinukulit ako haha

"Tignan mo nalang dyan"-Ako

"Yih bakit Sed lang?"-Sed

"Bakit? Yun naman pangalan mo ah, anong gusto mo Vilafuerte? haha"-Ako

"Gusto ko may may maraming heart yung pangalan ko"-Sed

"Demanding ka pa haha"-Ako

Narinig kong biglang tumutunog ang phone ko.

"May tumatawag yata sayo"-Sed

"Sino?"-Ako

"Ewan ko, tignan mo kaya pumunta ka dito"-Sed

"Ikaw na kasing sumagot alam mong busy ako e, nag aayos ako"-Ako

"Wag ka ng mag ayos maganda ka naman e. Dali na tignan mo na kase"-Sed

Ang kulit talaga ng lalakeng to >_<

Ng tignan ko kung sino ang tumatawag napatulala ako.

Napatingin sa kanya

O_____O

Number ni Sed ang nakalagay pero ang pangalan na nakalagay ay

"WILL YOU BE MY GIRLFRIEND? (:"

Nginitian ako ni Sed

"Oh ano na? haha"-Sed

Niyakap ko sya

"OFCOURSE! YES!"-Ako

Hinalikan nya ko sa labi.

Nag halikan kami.

Napaka magical ng oras na yun.

"Ano game ka na? Tara na?-Sed

"San tayo pupunta? coffee?"-Ako

"Basta tara na"-Sed

Lumabas na kami sa condo.

Habang nag dadrive sya hawak pa rin nya ang kamay ko.

Sabay kaming kumakanta sa sasakyan nya.

Nag tatawanan kami.

Bigla kaming huminto sa may park.

Medyo madilim.

"Ano bang gagawin natin dito? Pwede bang mag celebrate dito? haha"-Ako

"Just watch :)"-Sed

At sunod sunod ng lumitaw ang mga fireworks.

SYEEEEEEEETTTTTT KILIG ^________^

Bigla ko syang hinalikan

"Ang swerte swerte ko naman sayo"-Ako

"Kala ko ba kawawa ang magiging girlfriend ko ha? haha"-Sed

Inasar pa ko nito haha

Humawak ako sa braso nya.

"Akala ko din e, kaso iba pala talagang mag mahal si Sedrell Vilafurte"-Ako

Niyakap nya ko at hinalikan.

Saby namin tinignan ang fireworks.

"Ang ganda"-Ako

"Mas maganda ang buhay ko"-Sed

"Ha? Bakit naman?"-Ako

"Kasi, parte ka na ng buhay ko kaya lalong naging maganda. At lalo pa itong gaganda pag nakasama na kita habang buhay"-Sed

Ngumiti naman ako at yumakap ulit sa kanya.

Little Red DressWhere stories live. Discover now