Chapter 8 (Courtship 101) Departure

393 6 2
                                    

(Yung kissing scene nasa right side syeeeeeettt kilig <3 ^_^)

Ilang linggo pa, dumating na ang kinakatakutan ko at ang ayaw kong magyari..

Aalis na si Sed papuntang London :(

Kaagad akong nagising para pumunta sa condo nya.

Tinext ko agad si mommy na hindi muna ako uuwi ng bahay dahil sasama ako sa airport para ihatid si Sed.

Pagkadating ko sa condo nya, tinitigan nya ko agad.

Hinawakan nya ang mukha ko at tinaas ng kaunti para magkalapit kami.

"Malulungkot ako ng sobra pagka alis ko"-Sed

"Wag mong sasabihin yan please? Isipin nalang natin na ilang araw ka lang mawawala, babalik ka rin naman agad diba?"-Ako

"Basta ha? Yung promise mo tuparin mo yun.. Na ako lang talaga ha?"-Sed

Nakita ko ng nangingilid ang luha sa mga mata nya kaya naiyak na ko ng tuluyan.

Niyakap ko sya ng mahigpit.

Ayoko talaga syang umalis dahil nahulog na rin ang loob ko sa kanya.

Mahal ko na sya.

"Sandali lang ako dun, basta pag kaagad natapos yung project na ginagawa namin babalik ako kaagad dito"-Sed

Tumango lang ako.

Hinalikan nya ang pisngi ko para pumanasan ang luha ko.

"Tara na? Baka malate ka sa flight mo"-Ako

"One last round hehe"-Sed

"Pilyo ka talaga! Tara na nga!"-Ako

Hinila ko sya, hinila nya rin ako pabalik.

Nilapit nya ko lalo sa kanya.

"Sobrang mamimiss kita, yang kakulitan mo, yang kasungitan mo, yang init ng ulo mo, yung mga lambing mo.. Lahat lahat, lalo na ikaw mismo, mamimiss kitang yakapin at halikan.. Ahhhhhh.. Ayoko na talagang umalis"-Sed

"Ako rin naman mamimiss kita ng sobra e kasi wala ng mang aasar sa'kin, wala na kong kasama lagi sa mall, wala ng gagawa sa'kin na hahalikan ako lagi sa noo at pupunasan luha ko, pag kakanta ako para lang di na ko malungkot"-Ako

"Basta ah? Pag may pasok ka na, wag pa stress masyado ha? Araw araw naman kitang tatawagan at itetext, skype din tayo bago ka matulog ok?"-Sed

"Oo naman"-Ako

"Tara na?"-Sed

"Let's go"-Ako

Pagkababa namin sa parking lot, nag hihintay na pala sina Tita Shey at Tito Ric.

"Oh wag na kayong malungkot, mag kikita naman kayo ulit e"-Tita Shey

"Sed basta yung sinabi ko sayo ha? Pag butihin mo ang project na yun, pag nagawa mo yun kahit pakasalan mo na si Elise ok lang sa'kin"-Tito Ric

Tumawa naman si Sed.

"Talaga dad?"-Sed

Tumawa naman kaming lahat

"Oh Elise narinig mo yun ha! Pag bubutihin ko talaga para mapakasalan na kita"-Sed

Tumawa lang naman ako.

Malungkot pa rin talaga ako e.

Habang nasa sasakyan kami papuntang airport, hindi mabitawan ni Sed ang kamay ko.

Lagi nyang hinahalikan ang pisngi ko.

"Pag sumakay na ko ng eroplano di ko na magagawa to"-Sed

"Magagawa mo pa yan"-Ako

"Pano?"-Sed

"Pag nakabalik kana dito ulit"-Ako

"Tagal pa nun e! Kaya susulitin ko na ngayon"-Sed

Lumapit sya sa'kin at binulungan ako sa tenga

"Sabi naman kasi sayo last round ayaw mo e"-Sed

Tumawa kaming dalawa

"Sira ka"-Ako

Ilang sandali pa, nakadating na kami sa airport.

Sakto namang tinatawag na sila para sumakay sa eroplano.

Ayoko yung moment na to T_______T

Hindi ako sanay na nahihiwalay ako sa mga mahal ko sa buhay e.

Ayaw bitawan ni Sed ang kamay ko.

Hanggang ako na mismo ang bumitaw <//////////////////3

Tumalikod na ko para maglakad pabalik sa sasakyan.

Hinabol nya ko at niyakap habang nakatalikod ako.

Naramdaman kong umiiyak sya.

"Babalik ako agad ha?"-Sed

Umiyak na rin ako ng sobra sobra

Sina Tita Shey at Tito Ric ay nakita ko ring malungkot.

"Sige na umalis ka na"-Ako

Hinarap nya ko sa kanya at hinalikan pa sa labi.

Pumikit ako.

Dahan dahan nya kong binitawan at tuluyan ng sumakay sa eroplano.

Bago sya sumakay, tinignan pa nya ko habang umiiyak sya at sumigaw

"ELISE I LOVE YOUUUUU!!!!!"-Sed

AWWWWWWW <3333333333

Sumigaw ako pabalik kahit umiiyak ako

"I LOVE YOU TOOOOOO!"-Ako

Tuluyan na syang sumakay sa eroplano at naiwan akong umiiyak na yakap ni Tita Shey.

"Babalik din sya hija"-Tita Shey

Pagkatapos namin ihatid si Sed tinext ko kaagad si Chelsea para ayain na mag bar.

2 days kasi ang flight ni Sed at ang usapan namin ay pagkadating nalang nya mismo sa London dun na kami mag usap.

Gusto ko munang lumimot pansamantala.

Tinext naman ako ni Chelsea na sasamahan nya ko mamayang gabi kasama ang iba naming kaibigan.

Little Red DressWhere stories live. Discover now