Chapter 9 (OMG! O_O)

405 4 0
                                    

Halos isang buwan na ang lumipas simula ng umalis si Sed.

Sa isang buwan na yun, kahit malayo sya lagi pa rin nyang pinaparamdam sa'kin kung gano ako kahalaga sa kanya at kung gaano nya ko kamahal.

Ngayon ang araw ng alis nila mommy at daddy.

Hay nakakalungkot T_____T

Buti nalang laging naka suporta sa'kin si Sed.

Tinext ko si Chelsea para tanungin kung sasama sya sa airport pero sabi nya mag papa spa daw sila ng mom nya.

Ganyan na kami ngayon, madalang nalang kami magkita at magkasama.

Siguro kasi busy sya at busy din ako.

Pareho kasi kaming graduating student kaya hectic pareho schedule namin.

Pero sa totoo lang, namimiss ko na ang makulit kong BFF T________T

"Tara na?"-Mom

"Ma, matagal ba kayo dun?"-Ako

"Sandali lang kami anak"-Dad

"Sige po, basta wag nyo kong kalimutang tawagan ha? Magkikita ba kayo nila ate?"-Ako

Nasa Australia na rin kasi ang ate ko.

"Depende anak, alam mo naman na busy din ang ate mo"-Mom

Sumakay na kami sa sasakyan at tsaka ko naman tinext si Sed na hahatid na namin sina mommy sa airport.

Ang lungkot, para akong may tinik sa dibdib ko T____T

"Ma, promise tatawag kayo ha?"-Ako

"Ano ka ba naman Elise para namang di kami tatawag sayo, di pa naman kami mawawala sayo magkikita pa tayo"-Mom

"Ma naman e"-Ako

"Syempre tatawagan ka ng mama mo, ikaw pa e prinsesa ka nila"-Manang Fe

Ngumiti lang ako.

Lagi akong nakayakap kay mommy.

Mamimiss ko sya for sure.

Ng makarating na kami sa airport, wala pa rin text si Sed sa'kin.

Napano nanaman kaya to?

Pinaparing ko ang phone nya pero di ko macontact.

Ilang sandali pa, aalis na sina mommy.

NOOOOOOOO T________T


"Elise galingan mo lalo sa school ha? Make us proud"-Dad

"Oo naman po dad! Basta balik kayo agad ha?"-Ako

"Syempre naman, di namin hahayaan na mawalay kami ng matagal sa prinsesa namin"-Dad

Napangiti naman ako sa sinabi nya

"Ma, wag ka na kayang sumama kay dad?"-Ako

"Ano kaba, di pwede yun.. sige na tinatawag na kami, paka bait ka ha? Sundin mo si Manang Fe"-Mom

"Yes ma"-Ako

Nag kiss na ko sa kanilang dalawa at tsaka na sila sumakay sa eroplano.

Sa bahay muna ko uuwi ngayon kasi walang kasama si Manang Fe.

"Oh bakit naka simangot ka dyan?"-Manang Fe

Nakita pala nya kong nakasimangot habang nanonood ako ng t.v

Nasa bahay na kami that time.

"Pano si Sed, di man nya ko naalalang itext o tawagan ngayong gabi, di man din sya nag post sa wall ko, tapos kanina ko pa sya hinihintay sa skype di man sya nag online.. Napapano kaya yung taong yun"-Ako

Little Red DressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon