Sed's POV

406 6 0
                                    

Pagkadating namin sa bahay pagkatapos mag dinner, kaagad kong hinanap ang phone directory para tumawag nanaman sa bahay nila Elise.

Inasar ko na sya kanina sa phone e haha! Gusto ko lang syang asarin ulit ngayon.

Lalo kasi syang nagiging cute pag naiinis na sya. Para syang bata haha!

Kaya ayun tinawagan ko nanaman landline nila.

Sumagot naman sya pero binabaan ako agad ng phone ng malaman nya na ako yung tumatawag.

BLLLLLLLLLAAAAAAAAAAAGGGGGGGGG!!!

OUCH! sakit nun sa tenga ah!

Humanda ka haha! Di pa ko tapos.

Hinanap ko sa mga friends ko sa facebook kung may mutual friend ako sa kanila kay Elise.

BINGO! Meron nga hahaha!

Dali-dali ko syang inadd.

Alam ko naman na di nya ko a-accept e, pero malay mo diba? Sa gwapo ko ba namang to XD

Tagal naman nyang i-accept, for sure gising pa yun sa mga oras na to.

Teka nga i-message ko.

Ba! nakita na nya msg ko pero wala pa ring reply?

Isa nalang, message pa natin.

Ayun! Na confirm din sa wakas haha!

Ma stalk nga pictures nya.

Ang ganda talaga nya.

Mukha syang anghel kaso masungit.

Teka sino tong kasama nya sa albums?

Boyfriend ba nya to? Di man gwapo.

Makapag message nya sa kanya haha!

As usual, wala nanaman matino sa usapan namin kasi sinungitan nanaman nya ko.

Suplada.

Matutulog na daw sya, teka teka txt txt muna tayo.

Aww nag offline -___-

OKAY -______-

Sige nag out na rin naman sya, matutulog na ko kasi pm ng pm sa'kin si Sophie.

Pagkagising ko ng umaaga, kaagad akong tumayo para mag jogging.

Tumatakas ako kay Sophie e, baka abutan nya ko.

Ayoko sa higad na babaeng yun. Parang linta kung makadikit.

Feeling nuya boyfriend nya pa rin ako hanggang ngayon? Grabe, mga babae talaga.

Habang nag ja-jogging ako sumakit yung paa ko kaya huminto ako sa isang mini stop para bumili ng energy drink.

Wow ganda ng cashier ah, mabola nga to baka sakaling ibigay sa'kin ang number nya.

Ang saya nyang kausap.

Nagtatawanan pa kami ng may nagbayad na isang babae.

Natulak pa nya ko kaya lalong sumakit yung paa ko.

Yabang neto ah! Pasalamat ka babae ka!

Nung tignan ko sya, ba! Si Ms. Masungit pala!

Maasar nga to haha!

Tinawag ko sya, di umiimik.

Nagmadali ako para harangan ang pintuan ng sasakyan nya.

Gulat ka sa sexy body ko noh? XD

Sinadya ko talagang magkalapit ang katawan namin para matahimik sya.

Tumahimik naman nga haha!

Teka, pano ba ko mag papapansin dito? Ah! Alam ko na, papahatid nalang ako pauwi kasi masakit paa ko.

Little Red DressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon