Chapter 11 (The Revelation of All Secrets)

393 6 0
                                    

Dahil di ko na alam ang gagawin ko, pumunta ako sa condo ni Chelsea.

Sya nalang kasi ang alam kong makakaintindi sa'kin.

:(((((((((((

Pagkadating ko sa condo nya, kumakatok ako pero walang sumasagot.

"Miss umalis yung may ari ng unit na yan"

Sabi ng lalake sa katabing unit

"Ok ka lang miss?"

"Oo ok lang ako"-Ako

At tuluyan akong bumaba sa parking lot at nag drive ulit.

Di ko na alam ang gagawin ko.

Gusto ko nalang ibangga ang sasakyan ko para matuluyan na kong mamatay.

Hinde, kailangan kong kumalma

Naisipan kong pumunta muna sa coffee shop sa mall na pinupuntahan namin ni Sed.

Maglilibang muna ko kahit sandali.

 Kaagad akong pumasok sa coffee shop dahil hindi ko nagustuhan ang nakita ko.

"Mga walang hiya kayooooooo!!!!!!! Mga traydor!!!!!!!!"-Ako

Nakita ko kasi si Chelsea sa loob ng coffee shop kasama si Lance at tawa sila ng tawa

"Pwede ba! Wag kang gumawa ng eksena dito!"-Chelsea

"Ano bang ginawa ko sayo ha! Sa inyo para gawin nyo sa'kin to! Naging mabuting kaibigan ako sayo! Bakit mo nasisikmurang gawin to sa'kin!"-Ako

"Kasi pinag sisiksikan mo sarili mo sa'kin! sa amin! di mo ba nahahalata ha na ayaw ka naming kasama?!"-Chelsea

"Bakit kailangan mo pang sirain ang buhay ko dahil lang sa kagaguhang dahilan mo na yan!"-Ako

"Dahil gusto kong nakikita kang miserable! At tama ka, planado lahat ng to, plano ko lahat to! Ngayon ano ha masaya ka na?!"-Chelsea

Di ko na napigilan ang sarili ko at tuluyan ko na syang sinabunutan at nginudngod sa cake na kinakain nya.

Binuhusan ko rin sya ng mainit na kape.

Kaagad kong kinuha ang kutsilyo na nakita ko sa mesa.

"Subukan mong lumapit sa'kin Lance! Di ako mag dadalawang isip na saksakin ka!"-Ako

"Tama naaaaaa!!!!"-Chelsea

Kaagad naman kaming inawat ng guard ng coffee shop

"Di pa tayo tapos Chelsea! Hindi pa tayo tapos!"-Ako

"Talagang hindi pa tayo tapos Elise, umpisa palang yan ng pagiging miserable ng buhay mo!"-Chelsea

Umalis na ko bigla ng coffee shop.

Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.

Inahas ako ng sarili kong best friend?!

BAKIIIIIIITTTTTT?! T_________T

Hindi pwedeng hindi ko puntahan si Sed.

Kahit itaboy pa nya ko di pa rin ako susuko.

Kailangan nyang malaman ang lahat.

Lahat ng katotohanan.

Ng makasakay ako sa sasakyan ko nakita kong tawag ng tawag si Manang Fe sa'kin.

Hindi ito ang panahon para umuwi ako sa bahay.

Habang nag dadrive ako, naririnig kong nag riring ang phone ko ng paulit ulit.

Little Red DressHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin