Chapter 1

176 18 2
                                    

Maybe studying in a huge university has its own perk, pero mukhang mas mahirap kung galing ka sa mahirap na pamilya at hahalubilo sa mga alta.

Carlo is from a rich family too but he is being bullied for his looks. I don't even consider him that way. Marami siyang pimples sa mukha at sobrang puti niya katulad ni Amell, he has his eyeglasses on but over all, he looks fine. I think the problem is more on his confidence.

And I was delighted when we found out that we are both accountancy first year students. And it didn't end there because we have the same schedule, blockmates na kami. Hindi ko naman inaasahan na mangyayari ito pero mas mabuti na rin at meron na akong kakilala kung sakali.

"Iha, since pareho naman kayo ng pasukan at uwian ni Amell, sumabay ka na lang sa kanya."

Napatigil ako sa pagkain ng umagahan ng banggitin iyon ni Ma'am Lucia. I looked at Amell who remained on his seat, eating his breakfast and minding his own business. Bigla niyang inangat ang tingin sa akin kaya kaagad akong napaiwas ng tingin.

"Salamat po pero, kasya naman po ang allowance ko para sa pamasahe." Alanganin kong sagot.

Ma'am Lucia looked at me with concern. "It's fine, Ava. Save your money or if you want we can just have your personal driver."

Masayang suhestyon nito na nagpalaki ng mata ko. Personal driver?! Ni hindi iyon pumasok sa isipan ko.

"Huwag na po! Kaya ko po naman at noong isang araw ko pa po pinag aralan ang pagcocomute." I answered, quite panicking.

I actually practice commuting at alam ko naman na kung ano ang sasakyan. Ate Cecil also gave me advice on it.

"Let her." Pero mas lalo ata akong nagulat ng marinig ko ang mababa nitong bose.

I just realized that I haven't heard him talk since I came here last week. Ngayon lang. His voice was deep and very mature for his age.

"Pero Amell…" Her Mom lamented as she looked at him.

He looked at me icily which brought colds to my back. Pakiramdam ko ay nasabuyan ulit ako ng malamig na tubig sa likod.

"Let her...it's her choice. Huwag mamilit kapag ayaw." His voice was ice cold with a hint of mockery on it.

Nakaramdam ako ng pang iinsulto. I slowly looked away from him to my plate. I've been feeling this way since I have seen him, that is why I tried my best to avoid him as much as possible.

Whenever I see him, I feel like I am making a huge mistake. Na mali ang pagpunta ko dito, sa pagpasok sa buhay nila. Na nasa hapag ako ngayon, kasama nila. Lahat ay mali.

Isang linggo palang ako dito pero pakiramdam ko sobra-sobra na ang lumipas. Mahirap makibagay kung hindi ka talaga nababagay. Pero nag uumpisa palang ako, I just can't back down and say no, lalo na at inaasahan na ako nina Mama at Lola.

Kaya kailangan kong magtiis. There is no other option for me but to survive, dahil para sa kinabukasan ko rin naman ang nakasalalay.

Our morning talk ended that way. Nag commute ako papasok ng school, which I kinda regret now because of the traffic. At dahil hindi pa ako masyadong pamilyar sa mga building at rooms ay medyo nawala pa ako.

I was half running upon entering my room at nakahinga ako ng maluwag ng makitang wala pa ang professor.

Dapat rin ay nagpalitan na kami ng numero ni Carlo pero hindi ko pa pala nabibigay ang akin sa kanya.

I saw him at the back, his one hand waving at me while smiling widely. Kaagad rin akong napangiti at naglakad palapit sa kanya. He tapped the reserved chair for me kahit na dalawa lang naman talaga kami ang nakaupo sa likod.

Laws in Love I: GraysonWhere stories live. Discover now