Chapter 5

236 20 5
                                    

Muntik ko ng mabitawan ang luma kong cellphone ng marinig ko ang mababang boses ni Amell sa dulo ng hagdan.

I looked at him while my phone and hands were on my chest, shocked at his presence. Kaagad kong napansin ang pawisan niyang mukha at katawan dahil sa basa na nitong damit. He probably just finished exercising.

Napatigil ako sa paglalakad. Pansin ko rin ang mga galos niya pa sa mukha at sa labi niya na may kalakihan.

“Hmmm…group study…sa isang coffee shop.” Mahina kong sagot.

His eyes were looking at me as if it is forbidden to lie to him. Nakakatakot talaga kaya umiwas na ako ng tingin kalaunan.

“With whom?”

I bit my lips and looked at him down the stairs again. Mga nasa limang hagdan na lang ang pagitan namin.

Nag alanganin akong sagutin iyon. For sure he knew Carlo pero alam naman na niya sigurong si Carlo ang lagi kong kasama sa school.

“Si Carlo.” Mas mahina kong sagot.

Tumaas ang kilay niya sa akin.

“Both nerds together, huh?” He answered mockingly.

Nanlaki ang mata ko sa kanya. But then I realized the term nerds aren't that bad? And I am a nerd and Carlo is a nerd too. Totoo naman. Pa aral kami at wala na kaming ginawa kung hindi mag aral.

“Magrereview kami.” Mas matapang kong sagot ngayon. There is nothing wrong with it.

I saw the corner of his lips lift for a moment but then he was able to suppress it. He then started taking the stairs kaya kaagad akong gumilid kahit na malawak naman ang hagdan at umiwas na rin ng tingin.

I waited for him to surpass me but I was quite startled when I saw his shoes just below me. I am on the right side and he is on the left side.

What? May gusto pa siyang sabihin? I wanted to look at him but I was afraid to look into his eyes.

"Call me, ako ang susundo sayo."

Tuluyang napa angat ang tingin ko sa kanya pero nagsimula na siyang umakyat ng hagdan. My lips quite parted as I looked at his back. Gusto kong mag protesta pero pakiramdam ko nawalan ako ng boses.

Calo can just drive me up until the guard gates, at hindi na niya kailangan na sunduin ako. At ayoko rin namang makaabala kung sakali. He is busy even during weekends with his friend and his painting stuff.

Napahinga na lamang ako ng malalim ng tuluyan siyang mawala sa paningin ko.

"Mabuti pinayagan ka?” Carlo pulled a chair for me with a smile on his face.

Ngumiti rin ako pabalik. “Ummm…oo, mabait naman mga magulang ni Grayson.”

For some reason, it is a little bit weird for me to call Grayson with his second name, Amell, when I am with Carlo or even when I am at school.

Mas lalong lumawak ang pagkakangiti ni Carlo. We then started ordering our food and as usual, halos mapangiwi ulit ako ng makita ang mga presyo sa menu. But maybe I could sacrifice some of my allowance today, total ay palagi naman akong nililibre ni Carlo.

We took our time studying rather than eating our food, we were so immersed in our own thoughts that we were barely able to touch our food and drinks.

And I am more than thankful that he became my first friend at school, halos pareho kami ng habit, ang mag-aral ng mag-aral. And I kinda salute him for being  studious despite coming from a rich family, hindi rin siya nagbubulakbol at wala rin siyang bisyo.

Laws in Love I: GraysonWhere stories live. Discover now