Chapter 7

137 17 4
                                    

The whole ride was uncomfortable for me. Pagkatapos ko siyang sagutin kanina ay tinanggal na niya ang kamay niya sa may ulunan ko. But still, the smug look on his face never left.

Pagkapatay niya ng sasakyan ay kaagad na akong bumaba. Masama ang loob ko pero pakiramdam ko wala akong karapatan na makaramdam ng ganito.

I showered after with a heavy feeling. Laman ng isipan ko ang mga salitang binitawan niya kanina na wala namang kabuluhan.

I have my goals in life and I have set my priorities straight. Wala akong balak na makipag ligawan habang nag aaral o makipagrelasyon. Tutulong muna ako sa pamilya ko at iaahon sila sa hirap.

Natulog ako na masama ang loob at hindi na rin sumabay sa hapag. I just gave an excuse that I have too many requirements to make and I’m just glad they did not question me anymore.

The next morning, hindi na ako makatingin sa kanya habang nag uumagahan kami, pansin ko rin ang binibigay na tingin sa amin ni Tita Lucia. Siguro ay ramdam rin niya na may kakaiba ngayon sa pagitan namin kahit na wala naman kaming gaanong interaksyon. I am just glad she stayed quiet all throughout our breakfast.

Pagpasok ko sa school ay ganun pa rin ang tingin ng mga estudyante sa akin. And at this point, I felt like I made Carlo’s situation worse. He already has anxiety because he was bullied before and now, I have dug a deeper hole for him. Mas lalo ko lang pinalala ang sitwasiyon niya.

“How was last night? Kinausap ka raw ni Grayson sa parking, and he was angry.” Carlo was very worried and I felt more sorry.

Umiling ako sa kanya. “Okay lang, hindi naman siya galit…medyo pinagsabihan lang ako.”

Hindi na nawala ang tingin sa akin ni Carlo maghapon, tila hindi naniniwala sa sinabi ko. I tried averting his attention and questions and I was quite successful. Hindi na niya binalikan ang usapan namin kanina.

I averted my attention too. Hindi ko na siya binigyan ng pansin kahit ni minsan sa mga sumunod pa na araw. Wala rin naman siyang pansin at pareho lang naman kami ng nararamdaman. At wala na akong pakialam.

More than a week had probably passed and reliazation hit me. Dapat pala ganito na lang ang tratuhan namin sa isa’t-isa mula ng simula. It's less hassle, less drama and problems.

“Tita, may group review po ulit kami bukas, malapit na po kasi midterms.”

My eyes were focused on Tita Lucia but I felt him stop eating. Her Mom smiled at me kaya hindi ko na rin mapigil na ngumiti. Her smile is just contagious.

"That's good, mabuti na lang at may mga kaibigan ka na bukod kay Amell."

I would like to correct her that I have only one friend and that is Carlo, and Amell isn't my friend, but I didn't say a word.

The next morning after our breakfast, I prepared in my room. Nagsuot lang ako ng maong na short, hindi naman kaiklian at ang itim kong vneck tshirt. Kinuha ko ang mga materials ko at shoulder bag at lumabas na.

Katulad ng dati ay muli akong susunduin ni Carlo sa may guardhouse at siya na rin ang maghahatid sa akin. Pababa pa lang ako ng hagdan ng marinig ko na ang ilang pamilyar na boses. Kumunot ang noo ko habang pababa at ng tuluyan na akong makababa ay kita ko mula sa pwesto ko ang mga pamilyar na kaibigan ni Pierce sa entrance ng bahay.

They were surrounding a car and taking pictures of it. 

Nakaramdam ako ng kaba. Pamilyar sila sa akin dahil sa nangyaring gulo. I even recognize the girl who was crying while Amell was punching the man named Michael. Ang alam ko kapatid niya iyon.

Akmang liliko ako papuntang kitchen at dadaan na lang sa likod pero napatingin sila sa akin. At nagulat na lamang ako ng marinig ko ang mas pamilyar na boses sa akin mula sa likod ko.

Laws in Love I: GraysonWhere stories live. Discover now