↺ [2]

45 8 23
                                    

━━━━━━━━━━ ↺ [2]

Ups! Ten obraz nie jest zgodny z naszymi wytycznymi. Aby kontynuować, spróbuj go usunąć lub użyć innego.

━━━━━━━━━━ ↺ [2]

"Do you think you're a good person?"

. . . . . . .

[ SILAS ]

"JOHAN!"

NARIRINIG kong sumisigaw si Jiro sa likuran ko, pero hindi ko magawang ituon ang atensyon ko doon. I could hear everyone screaming along with the alarm blaring profusely in the background. Naririnig ko ang lahat, pero para pa rin akong nabibingi.

The dark violet lights scattered around. Nahihilo na ako dahil sa paulit-ulit nitong pagpatay-sindi. I tried to move, but I couldn't. Nakapako lang ako sa sahig habang nakatingin sa pugot na ulo ni Johan.

Next thing I know, tumatakbo na kaming lahat sa madilim na pasilyo. Hila-hila ako ni Soren na makailang-ulit akong tinatawag. Gusto kong magsalita pero parang naputulan ako ng dila. My lips were quaking badly. Pakiramdam ko, maiiyak ako anumang sandali.

"Silas, baby..."

I snapped out of my thoughts when I heard his voice.

Nag-angat ako ng tingin at bumungad sa 'kin ang nag-aalalang ekspresyon sa mukha ni Soren. Even though there was a visible fear on his eyes, mas higit dito ang pag-aalala.

"N-Nasa'n tayo?" I was finally able to speak, mustering all the remaining sheer will I had.

"Sa cafeteria." Kinuha niya ang panyo niya at ginamit ito para punasan ang mga luha kong hindi ko namamalayang tumutulo na pala.

Dahan-dahan akong napalingon sa paligid namin. Nakatago kaming lahat dito sa kusina ng cafeteria. Medyo malayo ito sa kwartong pinanggalingan namin. Ni hindi ko namalayang nakarating na kami dito.

Hideo was walking back and forth, visibly frustrated and panicking. On the other hand, tinatapik ni Nyle ang balikat ni Jensen na tulala lang habang nakatingin nang diretso sa kawalan. Ang pinaka-napansin ko ay si Jiro na nakaharap sa lababo, nagtataas-baba ang mga balikat niya at sa puntong 'yon, narinig ko siyang humihikbi. Napadaan si Hideo sa kaniya na tinapik ang likod niya.

Tuluyang nag-sink in sa 'kin ang nangyari.

Johan died just beside me. Buong akala ko ay si Hideo ang unang mamamatay, so I tried to stop him from getting out. Ibig sabihin, nag-iiba ang pagkakasunod ng pagkamatay namin kada ulit ng loop.

Napaluha ako.

I didn't even know what exactly happened. Bigla na lang tumumba ang pinto patalikod habang nakasandal kami doon ni Johan. I heard a bellow, like the sound of an animal. Nakita agad kami ng halimaw na 'yon nang gano'n kaaga?

I couldn't help but sob when I remembered Johan's face. Oo nga't mauulit lang din naman ang lahat, but it was still traumatizing to see my best friend die like that. Kung ngayon pa lang, nahihirapan na ako, paano pa kaya siya na kada ulit namin ay naaalala ang lahat ng nangyayari? He witnessed our deaths every time and he remembers it through every cycle. No wonder he was already feeling hopeless.

InfernumOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz