↺ [15]

45 6 16
                                    

━━━━━━━━━━ ↺ [15]

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

━━━━━━━━━━ ↺ [15]

"Two can keep a secret if one of them is dead."

. . . . . . .

"Hoy! Johannes!"

"Pakshet. Ano ba 'yon, Soren?! An'dami-dami kong ginawa tapos ang init-init pa sa labas. Tanginang klima 'to, hindi nakakatuwa. Pakshet! Kakaligo ko lang kani-kanina tapos naglalagkit na naman ako. Alam mo, kasalanan 'to ng gobyerno natin, eh. Miski yata si Satanas nagalit na sa nangyayari sa bansa kaya ginagawa na tayong barbecue-han niya!"

"Ang dami mong sinabi, itatanong ko lang naman kung nasaan si Silas."

"Malay ko, gago! Ikaw itong jowa, 'di mo alam nasa'n."

"Sorry naman. Busy lang talaga sa pag-prepare ng surprise sa kaniya."

"Dami mong pakulo, ulol. Dinamay-damay mo pa 'tong si Jiro."

"No biggie naman. This douchebag practically forced me into this. Naawa na lang din ako."

"Hayop ka, Jiro, ha!"

"Sa'n nga pala 'yong magkapatid?"

"May agenda raw si Hideo. Hindi ko lang alam kung nag-a-underground pa rin siya. Si Nyle naman, ewan ko do'n. Kasama yata mga kaklase. Tinawagan ko naman na, baka 'di rin makapunta mamaya."

"... Si Jensen?"

"Umuwi yata sa kanila, not sure."

"Ah, okay. Pake ko. Tangina mo."

"Baliw amputa — Aray, Jiro! Makakurot?!"

"Puntahan ko muna si Silas. Spoil ko 'tong ginagawa mo."

"'Wag! Para namang others!"

"Bye nga nga! Message ko na lang kayo kapag magkasama na kami. Baka nasa kanila lang din 'yon."

"Drive na kita?"

"Trayduran lang? Sa harapan ko pa talaga, ha."

"'Wag na, kaya ko na. Ako na'ng bahala sa kaibigan ko."

━━━━━━━━━━

[ HIDEO ]

"I KILLED Eurydice! I'm the one who killed her!"

Biglang tumigil ang nakakarinding alarm kasabay ng mga nagpapatay-sinding ilaw. Lahat kami ay napatingin kay Silas na sumigaw. Nakita namin siyang itinataas ang isang litrato ng isang bathtub na puno ng kulay-pulang tubig.

Napakunot-noo ako.

"N-No!" sigaw ni Johannes. "Tantanan mo, Silas! Wala kang ginawa!"

I looked at Johannes and saw him already crying. Mas lalo akong nalito. Tangina. Ano ba'ng nangyayari?!

InfernumWhere stories live. Discover now