↺ [11]

31 3 21
                                    

━━━━━━━━━━ ↺ [11]

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.

━━━━━━━━━━ ↺ [11]

"What we see is not what
it always seems to be.
"

. . . . . . .

NANG TULUYANG makalabas si Silas sa CR, nagtaka siya nang hindi matagpuan ang mga kaibigan na nagsabing hihintayin sila sa labas.

"Nasa'n na sila?" bulong niya sa sarili habang palinga-linga sa paligid. Sunod siyang napalingon sa direksyon ng CR kung nasaan si Soren, nag-aalangan kung iiwan niya muna ito nang kahit ilang saglit lang.

Pinakiramdaman niya ang paligid hanggang sa maulinigan niya ang mga munting yabag ng paa mula sa 'di kalayuan. Nagpapalit-palit ang tingin niya sa direksyon nito pati sa CR.

Wala siyang ibang nagawa kundi bumuntong-hininga na lang bago mabilis na humakbang mula sa pinanggalingan ng tunog ng mga yabag — walang kamalay-malay na sa kaniyang pag-alis ay ang pagdating ng isang pigura.

Sa kabilang banda, abala sa paghihilamos si Soren nang marinig niya ang pagbukas ng pinto mula sa kaniyang likuran. Iminulat niya ang mga mata at ngumiti nang magtama ang tingin nilang dalawa ni 'Silas'.

"Something wrong, babe?" tanong niya, walang kaide-ideya na hindi ang nobyo ang kaniyang kasama ngayon sa silid.

Ngumiti sa kaniya ang nilalang na nagbabalat-kayo bilang si Silas. "Wala. Hindi ko kasi mahanap sila Johannes. Wala naman sila sa labas."

Napakunot-noo naman si Soren. "Ha? Akala ko, aantayin nila tayo? Mga siraulo 'yon," nakangiwi niyang sambit. "'Nga pala, nag-away ba kayo ni Johannes? Ngayon lang yata kita narinig na tawagin siya sa real name niya, eh."

"Hindi." Umiling si 'Silas', may nakakurbang kakaibang ngiti sa mga labi nito. "Medyo tensyonado lang ako. You know, with all the Eurydice stuff going on."

Nanumbalik ang lungkot sa mukha ni Soren ngunit pilit siyang ngumiti. "Yeah... Everyone's hiding something from me. At least I know I can trust you." Tumingin siya sa inaakalang nobyo mula sa salamin at nginitian ito.

"Yes. You can trust me." Dahan-dahang lumapit ang nilalang kay Soren. "But... can I trust you?"

Saglit na natigilan si Soren bago muling tumingin sa kasama. "Syempre naman. You can trust me, baby."

"Can I trust you to do the right thing?"

"Ano'ng..." Hindi mapigilang magtaka ni Soren. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

"If our friends really do have something to do with Eurydice, can I trust you to do the right thing, then?"

Humawak si 'Silas' sa kaniyang magkabilang balikat.

"Can you make them pay for their sins?"

Hindi nakaimik si Soren.

Mariin na lamang siyang napapikit.

Infernumحيث تعيش القصص. اكتشف الآن