↺ [6]

43 8 12
                                    

━━━━━━━━━━ ↺ [6]

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

━━━━━━━━━━ ↺ [6]

"Trust no one."

. . . . . . .

[ SOREN ]

"THIS IS Eurydice's work. She made this creature. This is her art."

Napapikit ako nang mariin pagkasabi ni Silas no'n.

Hindi ko alam kung ano ba talagang nangyayari, pero sigurado akong may kinalaman ito kay Eurydice. And my friends — even though they try so hard to deny it — I know that they know something about what happened to Eurydice. Kung talagang wala silang alam, hindi sila aakto o magri-react nang gano'n sa tuwing nababanggit siya.

Tumingin ako sa mga kasama ko. I saw Jensen look away from the sketch while Jiro just subtly bit his lip. Si Johannes naman, sumeryoso ang ekspresyon ng mukha. Nakita kong umiiyak na si Silas kaya agad kong kinuha ang papel at inilayo sa kaniya.

"Uulitin ko ang sinabi ko. May kasalanan ba kayong nagawa? Umamin na kayo ngayon din at baka ito lang ang paraan para makaalis na tayo dito," I said, gently wiping away Silas' tears.

Nanahimik na naman sila, not until Johannes scoffed.

"Kung meron man, gaano ka kasigurado na makakaalis talaga tayo dito?" sagot niya.

"There's a reason why we're here, Johannes. Narinig mo 'yong speaker, kapag hindi tayo umamin, mamamatay lang tayo."

"Eh sa ano ba'ng aaminin natin?! Ano'ng gusto mo? Umamin kami sa 'di naman namin ginawa? Aakuin namin 'yong kasalanan na 'di naman amin? Para ano?! Para ma-try kung tama 'yong hinala mo na makakaalis tayo dito kapag nagsabi kami ng totoo?!"

"Oo," I answered. "Kung wala talaga kayong tinatago, bakit gan'yan kayo mag-react? Bakit ayaw niyong sabihin ang alam niyo? Bakit ayaw mong sabihin kung ano'ng nalalaman mo, Johannes?"

"Kasi wala naman?! Bakit ba ako ang pinupuntirya mo ngayon, ha?"

"Wala ba talaga?"

"Wala! Pakshet!"

"Wala ka talagang alam? O may pinoprotektahan ka?"

Hindi nakaimik si Johannes. Naramdaman kong hinila ako ni Silas sa braso. Nahagip ko naman si Jiro na sumulyap kay Jensen bago ibalik ang tingin kay Johannes na tahimik lang at mukhang nagulat.

Lumipas ang ilang sandali at inirapan niya lang ako. "Wala. Tantanan mo 'ko, Soren, at ayokong mag-walk out din," he said and crossed his arms, his eyes staring at me with intensity.

Hindi ako tulad ni Jensen na kababata niya o ni Silas na mula high school e' kilala na siya. But despite the short amount of time that we spent together, I could say that I know Johannes to a certain extent. Madaldal siyang tao, pero kayang-kaya niyang magtago ng sikreto — no matter how dark those secrets can be.

InfernumWhere stories live. Discover now