↺ [14]

39 3 19
                                    

━━━━━━━━━━ ↺ [14]

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

━━━━━━━━━━ ↺ [14]

"Who prays for that one sinner who needs it the most?"

. . . . . . .

MABILIS ANG bawat hakbang ni Johannes habang naglalakad sa pasilyo ng isang bahay. Sa sobrang katahimikan sa loob ay nagagawa niya nang marinig ang lagaslas ng tubig na nanggagaling sa banyo kung saan siya patungo. Mas binilisan niya pa ang paglalakad sa kadahilanang iyon.

Natanaw niya ang isang nakabukas na pinto kung kaya't doon siya dumiretso. Bumungad sa kaniya ang kaibigan na nakaluhod sa harap ng isang inidoro. Walang tigil ito sa pagsuka dito at para bang hinang-hina na ito.

Akmang lalapitan niya na sana ito nang sa isang iglap, nahuli ng kaniyang paningin ang isang pigura na katabi nito. Dahan-dahang bumaling dito ang kaniyang mga mata at para siyang pinagsakluban ng langit at lupa nang tuluyan itong makilala.

"Eurydice..."

━━━━━━━━━━

[ SILAS ]

"HE WAS the one that Eurydice cheated on me with."

Natahimik kaming lahat dahil sa sinabi ni Hideo. Almost everyone in the room has a shocked look on their faces upon hearing his revelation. Pero sa aming lahat, walang tatalo sa gulat na nakapinta sa mukha ni Jensen na nanlalaki ang mga matang nakatingin kay Hideo ngayon.

I looked over at Johan pero kahit siya, mukhang nagulat. But I could tell that it wasn't the same as our shock. Hindi ko alam kung wala siyang alam tungkol doon o talagang nagulat lang siya dahil may alam pala si Hideo.

Napalunok ako.

Eurydice was my best friend, but sometimes, I feel like I didn't know her at all. She mostly keeps everything to herself. Kaya noong nagkakagulo na ang lahat, hindi ko siya magawang tulungan dahil miski ako, hindi alam kung ano ba ang totoo sa hindi. I didn't know what to believe in, especially because she never even told me her side.

Did she really steal Johan's painting? Did she really cheat on Hideo? And out of all the people, did she really cheat on him with Jensen — her boyfriend's closest friend?

Hindi ko alam. Hindi ko na alam.

What I do know though... was that she was in a lot of pain, and I felt the need to save her from it.

"Ha... Ano'ng—" Tumingin si Soren kay Jensen, kunot-noo at hindi makapaniwala. "Jensen, totoo ba? Were you really..."

Hindi umimik si Jensen. He just stood there, dumbfounded and motionless. Panay ang palipat-lipat ng mga mata niya sa 'min tapos kay Hideo na sobrang sama ng tingin sa kaniya.

InfernumWhere stories live. Discover now