Chapter 1

185 14 4
                                    

BAE HARAM

Prism University

The hallways buzzed with excitement and laughter as I stepped through the towering school gates, but I remained untouched by the warmth of camaraderie.

It was my first day at this new school, and I couldn't help but feel a sense of detachment, as if I were an outsider observing from a distance.

I begin to navigate this unfamiliar territory with my emotions locked away.

I wandered through the halls, I scanned the surroundings with a mix of curiosity. With each step, I observed the students bustling around, their conversations blending into a symphony of voices.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa mahanap ko na ang  Office of The College Dean, kumatok muna ako ng tatlong beses at pumasok ng marinig ko mula sa labas ang "come in" mula sa isa sa nasa loob ng office.

"You must be Bae Haram," saad ng nasa mid-forties na lalake, at kung hindi ako nagkakamali ay sya yata yung kausap ni Mommy few days ago sa bahay.

Ngumiti lang ako ng kaunti hanggang sa pinaupo nya muna ako sa sofa.

"Hindi kita nakita last Thursday sa bahay nyo, I talked to your mom," ngiti nitong sabi habang may hinahanap na papel sa table nya.

"I'm at my cousin's that day," I lied. Ngumiti lamang ito at inabot ang isang papel,

Bae Haram's Schedule.

"Kompleto na lahat ng details dyan, nakalagay na din ang subjects and room ng lahat ng klase mo. If you have any question regarding sa klase mo, sabihan mo lang ako. Hwaiting!"

"Thank you, Mr. Gumen." Ngiti ko na lang sabi at lumabas na, hindi ko alam kung saan magsisimula dahil sa lawak ng school na 'to ay baka ilang araw pa bago ko mahanap ang room na papasukan ko.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad hanggang sa may nakabangga sa'king babae na blonde but short ang buhok just like her height.

"I'm sorry, I'm sorry! Aish, hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko." Saad nito habang sinasapo ang ulong tumama sa balikat ko, isa-isa nitong pinulot ang mga nahulog na librong hawak niya, pinulot ko na rin ang ilan at inabot sakanya ng walang iniimik.

"Thank you, I'm sorry talaga. Anyways, new student ka ba? Ngayon lang kasi kita nakita dito e," dami agad nasabi.

Tumango na lang ako bilang sagot, ngumiti naman ito na halos hindi na makita ang mata. Cute.

"I'm Kotoko, by the way. You are?"

"Haram, Bae Haram." At inabot ang nakaabang na kamay nito for shake hands na binitawan ko din agad.

Tumingin ako sa papel na hawak ko lang kanina na nasa sahig na pala ng makitang medyo nagusot ito, tinignan nya din ito at ngumiti na parang nagsosorry ulit at sya na mismo ang kumuha.

"Same pala tayo ng klase, sabay na tayo! Ibibigay ko lang 'to kay Sir Gumen. Wait mo'ko dyan ha?" Agad na dumiretso sa office ni Sir Gumen ang babae, hindi manlang hinintay ang sagot ko.

Okay na din kasi hindi ko naman alam kung saang lupalop ng part ng school itong nasa sched ko.

Hinintay ko na lang sya kagaya ng sinabi nya at mga ilang minuto lang ay lumabas na din, nakangiti pa itong tumakbo papunta sa'kin at nilingkis ang kamay sa braso ko. Tsk, clingy.

Wala akong alam sa kung sino ang kasama kong ito, pero masasabi ko na kilala sya dahil binabati sya ng mangilan ngilang estudyanteng nadadaanan namin. Kumakaway din naman ito pabalik at nginingitian sila isa-isa.

Unveiling Rainbow (GxG)Onde histórias criam vida. Descubra agora