Chapter 7

117 9 0
                                    

BAE HARAM

"So you're telling me na she's treating you so bad simula nang unang pasukan nyo dahil sa'kin? I can't with her," tumatawa-tawa pa nitong saad.

"I swear to G, you're screw when she meets you. Tawa-tawa ka pa dyan."

"I mean, where's the hate coming from? Why she hates us so much?" Tanong nito.

"Anong us? Ikaw lang," dadamay pa'ko ng kumag na 'to.

"You can't fool me, Sis. I know you're one of us," mapaglarong ngiting sabi nito habang nakatingin sa'kin. Yung mga gantong mukha masarap burahin sa mundo e, pero dahil twin ko sya ay that makes me want na burahin din mukha ko kaya naur naur naur. Binabawi ko na.

"I'm not gay, Yeram."

"I'm not saying your gay though, I'm just saying you're one of us na kinakagalitan nya. Nakipagtalo ka sakanya about it, remember?" Natatawang sabi pa nito. "Napaghahalataan ka, Sis. Delikado kana."

"Shut up."

Umalis na muli ito, alam ko namang nagpakita lang ito kay Mommy at Daddy kasi weekend. Mags-stay lang sya ng matagal pag may plans sina mommy like weekend activities like watching movies, hikes, picnics, visiting beaches and more.

At tama nga akong pupunta si Kotoko dito, dala nito ang phone ko at nakangiting inabot ito sa'kin.

Nasa sala ako kaya malaya itong umupo sa tabi ko.

"So... did you kiss?" Napaubo ako sa tanong nito, medyo natapon naman ang iniinom kong chuckie. Mabuti na lamang at hindi ko ito nilagay sa baso.

"Pinagsasasabi mo dyan, Bunot?"

"So wala? Ano ba 'yan ang boring nyo naman. Iniwan na nga kita dun kagabi e, tas walang nangyari sainyo?" Saad nito na animong dismayado. Binatukan ko naman ito dahil sa sinabi nya.

"Sinadya mo'kong iwan sa bahay na 'yon?!"

"Medyo hehe," babatukan ko sanang muli ito sa sagot nya ngunit tumayo ito pumunta sa likod ni mommy na kakababa lang sa hagdan.

"Tita oh, nagiging dragon na naman anak mo" sumbong pa nito, sinamaan ko ito ng tingin.

Tumawa lang si mommy at dumiretso na sa kusina habang naka-sunod pa din si Kotoko sa likod nya. If I know, pumunta lang sya dito para sa luto ni Mommy.

Tumayo ako para kumuha ulit ng chuckie sa fridge.

"Gehlee? Maganda ang pangalan nya, pero totoo ba iyang sinasabi mo, hija?"

"Opo tita, hindi lang maganda pangalan nya. Maganda din sya, look oh." Lumapit ako dito at nakitang may pinapakita ito kay Mommy.

"She's indeed beautiful," nangingiti nitong sabi habang habang hinahalo ang crashed graham at condensed milk.

"Ano namang pinag uusapan nyo dyan," curious kong tanong at titignan na sana ang phone na nakatapat kay mommy pero inalis din ito agad ni Kotoko.

"Wala, yung project natin sa UTS 'to."

Hindi ko na ito pinansin at tinulungan si mommy sa ginagawa, she's making mango graham. One of my fav.

Hanggang sa makauwi si Kotoko ay hindi ko na sinabi ang naging sagutan namin ni Gehlee kaninang umaga, hindi na din naman ito nagtanong pa.

Kinabuksan

"Nagcr lang ako saglit, nawala na kayo! Buti na lang talaga nagpasundo ako kay kuya Min, e kung hindi? What if higitin ako ng kung sino sa dilim tas pilitin ako maghubad tapos dahil nga ayaw ko ay susuntukin nya'ko para mawalan ako ng malay para madali na lang na'kong gahasain? Argh, you're making me so mad ha! You're responsible of me dapat e," akala ko tapos na ang issue na 'yan sa gc. Hindi pa din pala.

Unveiling Rainbow (GxG)Место, где живут истории. Откройте их для себя